💙 Seven Stages ; 1

2.5K 56 38
                                    

SEVEN STAGES



fluff
narrative
short story

×

"Jihooooooonie~!" agad akong inatake ni Soonyoung ng makita nya ko sa sofa.

"Soonyoung, makayakap ka naman parang isang dekada tayo hindi nag kita ha?" sabi ko at pilit na inaalis sya sa taas ko. Konting tulak pa , sa wakas naalis ko din sya sa itaas ko.

Simula grade 1 ay mag bestfriend na kami ni Soonyoung. Ang tatag namin no? Kami yung tipo ng bestfriends na higit pa sa friendship goals. Hinding hindi kami mapag hiwalay nito ni Soons. Kung saan ako pupunta susundan nya ko, kung saan sya pupunta susundan ko sya. Madalas mapag kamalan kaming couple haha. Pero hindi, bestfriend ko lang sya.

Naalala ko nanaman yung panahong galit na galit ako noon sakanya nung bata pa ko. Masyado kasi syang pasikat, tuwing binubully ako na "pandak" daw ako nila Wonwoo at Seungcheol agad naman syang sisingit at pinag tatanggol ako. Ewan ko, imbis na pasalamatan ko sya hinahambalos ko sya ng laruang gitara ko. Nanliliit kasi ako sa sarili ko eh, pakiramdam ko pag may tumutulong sakin dumedepende agad ako, pero hindi ako nilubayan ni Soonyoung. Magka kompitensya din kami nun, mapa achademics man or sports. Kaya isang araw, napag isipan ko din na makipag kaibigan sakanya para masabutahe sya. Kaso, sa sobrang friendly nya hindi ko na sya matiis kaya nag stay nalang kami na mag kaibigan. Hindi na kami mapag hiwalay simula non.

Sa sobrang close nga namin, magkadikit na ata pati bituka namin. Mag bestfriends lang talaga kami, maniniwala ba kayo kung sasabihin kong may sarili kaming bahay?

"Jihooooonie~ Pakissssss~!" inirapan ko lang si Soonyoung habang inaabot nya ang pisngi ko. Nakahawak kasi ako sa tyan nya. Take note, oo sa tyan wala kasi syang damit at naka boxer lang sya.

"Tsk! Mag bihis ka nga muna Soonyoung. Parang walang tao sa harap mo!" sabi ko ngunit ngumuso lang sya. Ang sarap nyang ikiss! Ikisskiss sa pader, kingina akala naman nya cute sya.

"Bakit naman? Attracted ka sakin nooo? Yieeeeee~ Attracted sakin ang Jihoonie ko~!" napa irap uli ako sa sinabi nya.

Bat naman ako ma- aattract? Tch, Dude parehas kaming lalaki, straight ako uloel.

"Tsk! Hindi ako attracted sayo. Distracted ako dahil ampanget mo sinabayan mo pa ng katawan mo. Tabs lang naman" humawak sya sa tyan nya habang nakasimangot na para bang na insulto sya sa sinabi ko.

"Grabe ka naman Jihoonie eh, kahit naman na ganito ako gwapogi parin" sabi nya at ang nakakainis pa dun nag pogi sign pa sya na para namang pogi talaga sya.

Okay, aaminin ko gwapo naman talaga si Soonyoung. Pero never akong naging vocal sa pagiging gwapo nya, alam naman nya yun. Let's say na way lang yun ng pag lalambing ko.

"Oo nalang, mag palit ka nalang nga ng damit Soonyoung. Andito ako, tapos naka boxers ka lang. Wala ka nga atang brief eh" sabi ko.

Tinignan naman nya ko na parang may nakita syang tt sa mukha ko.

"Ikaw naman, parang di tayo mag bestfriend. Eh ano ngayon kung ganito damit ko? Parehas naman tayong lalaki atsaka nakita mo narin naman lahat sakin" muntik na kong masuka sa huling sentence nya. Nag wink pa ang gago.

Hindi ko na sya pinansin at pumunta nalang sa kusina. Gagawa nalang siguro ako ng graham. Kasi nagugutom ako. Para may dessert kami ni Soonyoung pag kumakain.

***
"Hindi ko alam eh, basta naiilang ako ngayon, hindi naman ako ganito dati kay Soonyoung eh, hindi ko ba alam!" inis na sabi ko habang ginugulo ang buhok ko. Andito ako ngayon sa totoong bahay namin.

Syempre may bahay naman talaga kami. Parang hang out lang namin ni Soonyoung yung bahay na yun.

"Nako, you're on the first stage Jihoon" napakunot noo naman ako sa sinabi ni Wonwoo. Anong first stage?

Tangina may cancer ako?! Kingina naman!

"Anong first stage?! Wala akong cancer!" sabi ko at kumuha sa fries.

"Wala naman ako sinabing may cancer ka. Ang sinasabi ko, nasa first stage ka na, sign na inlove ka" sabi nya kaya lalong kumunot ang noo ko.

Uminom muna sya ng juice bago magsalita "The Seven stage of Love, Ji. Minsan kasi magbasa basa ka ng mga libro" natawa naman ako ng bahagya sa sinabi nya.

"Ako? Magbabasa? Hindi naman ako kagaya mong bookworm ulul" inirapan nya lang ako at kumuha sya ng fries nya.

"So ayun nga, nasa first stage ka na Ji. You're attracted to Soonyoung" sabi nya.

"Ano ba yang seven stage na yan?"

"First; Attraction. Second; Crush. Third; like Fourth; Admiration. Fifth; Love Sixth; Possesion and Seventh; lastly the Obssesion" napangiwi naman ako sa sinabi nya.

Hindi ko alam kung epekto ba to ng kakabasa ni Wonwoo sa libro o impluwensya to ni Mingyu sakanya. Si Mingyu na bestfriend nya. Na friendzone sakanya.

"Ang baduy mo! Yaks!" sabi ko at hinampas ng pabiro ang braso nya.

"Jihoon, 80% ng mag bestfriend na nagkakatuluyan is hindi nag d-divorced. At mostly isa sa mga mag bestfriend gusto ang isa, kaso natatakot umamin kasi baka ma friendzone!" sabi nya. Hindi ko naman maiwasan mamangha dahil andaming alam ni Wonwoo samantalang ako wala.

"80%? Merong 80%?" tumango naman sya "Hindi parin sure yun Woo, meron pang 30% na hindi nag wowork kaya nag d-divorce" ngumiwi naman sya sa sinabi ko.

"Bahala ka nga Jihoon, kung ayaw mong maniwala. Ikaw bahala, feelings mo nakasalalay dito." eh kasi naman lahat ng stage meron na ko!

"Won, lahat yan pasado na eh. Una, attracted na ko kay Soonyoung. Sino ba namang hindi? Oo hot sya, tapos ang gwapo pa. Pangalawa crush ko sya, crush is pag hanga. Pangatlo, I like him, I like him because he is my bestfriend. Pang apat, I admire him bec-" pinutol nya ang sasabihin ko.

"Ayan Jihoon, ayan ang problema. Hindi mo talaga malalaman na inlove ka sakanya kung kinukulong mo yung sarili mo sa 'ikaw at si Soonyoung na mag bestfriend' try mo syang tignan na sya. Bilang si Soonyoung, hindi bilang bestfriend mo" umiling nalang ako at napatingin sa kinakain naming fries na ngayon ay wala na.

"Kukuha pa ko" sabi ko at pumunta sa kusina. Habang nasa kusina ako, yung sinabi ni Wonwoo lang yung nasa isip ko. Paano kung tama sya? Paano kung totoo ngang mahal ko si Soonyoung? Ayoko eh, natatakot akong ma friendzone. Tsaka straight ako! Sa ngayon. . .

Nag usap lang kami ni Wonwoo tungkol sa school ganyan at kahit saan pa. Bukod kay Soonyoung si Wonwoo din ay bestfriend ko. Actually tropa kami eh, siguro naman kilala mo na sila.

Kinabukasan, lunes nanaman. Kaya kailangan maaga akong pumasok.

"Hyung, asan na baon ko?" tanong ko habang naka lahad ang kamay sa harap ni Yoongi hyung.

"Oh, kailangan nating tipirin yung pinadala ni Eomma para sa one month" tumango nalang ako.

"Oo na, nanghihingi lang dami pang sinabi" ginulo naman ni Hyung ang huhok ko gaya ng lagi nyang ginagawa.

Grrr. Kakaayos ko lang eh.

"Jihoooooonie!" napatingin kaming dalawa ni Hyung sa sumigaw.

"Oh Soonyoung ikaw pala, kumain ka na ba?" umiling si Soonyoung at ngumiti kay hyung.

"Ah hindi na hyung, aalis na kami ni Jihoon. Tara Ji! Bye hyuuuung!" at wala na kong nagawa ng hatakin na nya ko palabas ng bahay.

T O B E C O N T I N U E D

feelings • soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon