MIANHAE
music lyrics
one shot
sad story
×
Tell me is it really hard to see that you make it so hard on me.
"Ji.. " tawag ko sakanya habang nakatalikod sya, agad naman syang lumingon.
Ang mga mata nya, bakas dito ang sakit, lungkot at pagod.
Ngumiti sya pero nanatiling tahimik, kahit yung ngiti nya ang lawak, ang mga mata nya naman ay umiiyak.
Ang tanga mo Soons, 'bat mo nga ba nagawa sakanya ulit to?
Go ahead and sting me with your lips coz you're just about to kill me won't you set me free.
"Ji, I'm sorry" naiiyak kong sabi habang nakahawak sa braso nya. Ngumiti lang sya, then he looks away.
He can't see me crying, even tho I was the one who always give him pain.
"Ano ka ba? Napatawad na kita haha! Sanay na ko Soons, sanay na kong may kahati sayo" sabi nya.
Bakit ba ko ganito?
"S-soons, A-ayoko na. . . let's just end this. Sobra na kong . . . nasasaktan" at doon tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko.
I should expected this.
Sobrang sakit, napuno ko na sya.
Sobrang sakit na talaga ang naidulot ko sakanya.
Sobrang pag papakatanga na ang nagawa nya para sakin.
Sobra sobra na.
"J-ji naman, m-magbabago naman ako eh" pag mamakaawa ko na halos lumuhod na ko sa harapan nya para lang tanggapin ako.
"Y. . . yan din sinabi mo sakin nung una, nung pangalawang beses mong ginawa at nung paulit ulit pa. Pero anong ginawa ko? Nag pakatanga ako sayo. . . tinanggap kita kahit di ko na mabilang kung ilan na yung pinalit mo sakin. Tinanggap kita kahit s-sobrang sakit na-" natigilan sya sa pag sasalita ng yakapin ko sya. I heard his voice broke, pumipiyok narin sya dahil umiiyak narin sya.
"Ji naman, sorry n-na. H-hindi ko alam kung b-bakit ganito ako. I love you Jihoon, sorry kung nagawa ko sa—" kinalas nya ang pag kakayakap ko sakanya.
"Sorry? Soons, kilala ako bilang short tempered na tao, bilang magagalitin, masungit, masama, demonyo. . . pero pag dating sayo lumalambot ako, pag dating sayo yung pride ko na abot hanggang langit? bumabababa, yung tipong mas malalim pa sa pacific ocean? Pero S-soonyoung p-pagod na ko eh. . . siguro t-tama na. Sawa na k-ko eh. P-pagod na pagod na ko Soons, hayaan m-mo naman akong makapag pahinga mula sa s-sakit, hayaan mo na ko, p-pakawalan mo na k—" hindi na nya naituloy ang sasabihin nya ng mapa hagulgol na sya sa harap ko.
I can't help but to cry also. Hindi ko sya kayang hawakan na para bang pag ginawa ko mababasag na sya ng tuluyan? Hindi ko sya magawang patahanin dahil baka mas lalong sumakit yung nararamdaman nya.
Pupunasan ko na sana ang luha nya ng tumakbo na sya papalayo.
"J-ji!" hindi ko sya hinabol.
Naiintindihan ko naman na eh,
Pagod na sya.
Masyado ko nga naman syang nasaktan.
Ang tanga tanga mo Soonyoung.
But give me one more glance as you walk away, smile like everything's gonna be okay. When I'm needing you again I'll see you in my head, I remember as if everything's always just the same.
Napangiti nalang ako ng mapait.
Mahal ko si Jihoon pero nasasaktan ko na sya ng sobra sobra.
I think it's time to exchange situation with Jihoon.
And I think it's time na pakawalan ko muna sya.
After that babawiin ko uli sya.
after 5 years . . .
Kwon Soonyoung
In a relationship with Lee Jihoon
Won't let you go 💕
379.9k likes | 985 comments | 74.8k shares
💙💙💙
gusto ko talaga ending nito hindi sila mag kakatuluyan pero wala eh soonhoon is lyf 😭 soonhoon is lyfer 😭 and soonhoon is lyfest.
BINABASA MO ANG
feelings • soonhoon
RandomOnly for Soonhoon shippers ♡♡ + One Shots + Music Lyrics + It can be angst, one sided love or whatever. + and ofcourse smut.