💙 Stupid

1.3K 40 10
                                    

STUPID

one shot
sad story
angst

© kay MOONHOSHI hindi po sa wattpad eh :'< video kasi talaga 'to sinend sakin sa messenger kaya naisipan kong gawan ng narrative ver. 

×

MADILIM ang kalangitan. Malamig ang simoy ng hangin.

"Soons, tama na sa kakaiyak" pagtahan ni Joshua kay Soonyoung na ngayon ay nakaluhod sa harap ng puntod ng kanyang kaibigan. 

Nag si-alisan na ang mga taong pumunta kanina sa libing nito. Tanging ang doseng lalaki nalang ang nasa sementryo. 

"A-ayaw. D-dito lang ako" hirap na hirap sa pagsasalita si Soonyoung habang nakaupo sa tabi ng puntod ng kanyang kaibigan.  Pinapatahan na sya ng kanyang mga hyungs pero wala eh, mahal nya talaga ang bestfriend nya. 

Masakit para saatin mawalan ng kaibigan. Pero si Soonyoung?  Ayan na ang pinaka masakit na nangyari sa buhay nya. 

Highschool palang ay mag bestfriend na sila.  Pero sadyang ang daya ng tadhana eh, kinuha sya agad. 

"Dino, Kwan.  Kayo, umuwi na kayo, ako nalang mag babantay dito kay Soonyoung" sabi ni Jeonghan habang yakap yakap si Soonyoung.  Pugto ang mga mata nila, namumula rin ang kanilang labi at ilong sa kaiiyak. 

Masakit din para sakanila mawalan ng kaibigan.  Sino bang hindi? 

LET ME LOVE YOU

After 3 days .  .  .

Joshua Hong

soonyoung? 

ano yun shua hyung? 

may nakita kami sa laptop ni
jihoon. Sabi ni cheol para sayo
yun. Sabi nya gustong ipakita
ni jihoon yun sayo pero iniwan
na nya tayo bago nya magawa. 

papunta na si Chan para ibigay
sayo yung laptop. 

okay, salamat hyung.

oh and soonyoung? 

hm?

we miss your smile. 


NANG makuha ni Soonyoung kay Chan ang laptop ay nagpasalamat agad sya.

Dali dali syang pumasok sa kwarto nya at binuksan ang laptop. Nanlabo nalang ang mga mata nya ng makita nya na silang dalawa ang wallpaper ng laptop ni Jihoon. 

Agad na nyang tinignan ang files ng laptop ni Jihoon at agad nakapukaw ng atensyon nya ang isang file. 

"for soonyoung"

Dali dali nya itong binuksan at nagulat sa nakita.  Punong puno ito ng mga stolen pics, selca, pictures, ni Soonyoung. 

Meron ding mga video na pinlay agad ni Soonyoung. Mga video ng kaharutan nilang dalawa. 

Agad na tumulo ang luha nya ng makita ang ngiti ni Jihoon. 

Na hindi na nya masisilayan pa.

"To Soonyoung" basa nya sa isang file pa at agad nya itong binuksan. 



to soonyoung- notepad          -   □  ×

File  Edit  Format  View  Help

——————————————————

Soonyoung, kung binabasa mo 'to baka mamatay na ko sa kahihiyan so sana wag mong isipin na loko lang 'to at wag kang tumawa sa mga mababasa mo. Alam mong kaya kong i express ang sarili ko, diba?  Kaysa maging bulol sa harap mo,  napagisipan kong mag confess ng ganito. Talino,  diba? Alam ko. 

Ako si Lee Jihoon,  gustong gusto ka.  Mahal ka din. Maingay ka, hyper, mapaglaro, but most importantly you're annoyingly beautiful, inside and out. Kahit anong gawin ko, hindi ko magawang alisin ka sa isip ko nakaka frustrate lang minsan lalo na kapag sinasabi mo ang pangalan ko gamit ang malambing mong boses.  Gusto kitang suntukin dahil nagiging malambot ako tuwing ngumingiti ka sakin. Ikaw ang unang taong hinahanap ko kapag nagigising ako at ang pinaka huling taong naiisip ko bago ako matulog. I hate you for turning me into this sappy and lovesick mess. 
You got me wrapped around your finger since day one at pagtapos ng lahat ng tukso na nakukuha ko mula sa mga kaibigan natin, I finally gathered the courage to ask you out. Hindi mo naman ako kailangang sagutin ngayon, at pwede mo rin namang ireject ang pag amin ko pero, pakiusap wag mo kong tawanan kundi gagamitin ko 'tong laptop na hawak mo ngayon para ipukpok sa ulo mo.  I'm not joking. 

Hindi ko alam kung anong gagawin ko pagtapos mong mabasa 'to. Siguro tatakbo nalang ako palayo bago mo matapos basahin 'to. 

TO SUM IT UP: KWON SOONYOUNG, MY STAR,  I LOVE YOU SO FUCKING MUCH. 

Sincerely,
The quiet kid you bestfriended back in middle school,
Lee Jihoon


"jihoon, you stupid.. "

"I've loved you since day one."

feelings • soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon