Dear Soonyoung,
Hoy gago! Kainin mo 'to! Niluto ko yan para sayo though medyo sunog pero konti lang, sinusigurado ko ring masarap kahit ganyan itsura yan! Nabalitaan ko rin na hindi na ka kumakain ng tanghalian eh. Ganun ba talaga kaimportante yang sayaw nyo? Eh paano kung mag collapse ka dyan sa kasasayaw mo? Kumain ka nga sa tamang oras! Kainin mo 'to kundi mahahambalos ka gago.
- angcuteko
--**--
"Jihoooooooon! Thank you dito sa lunch na binigay moooooo!" rinig kong sigaw ni Soonyoung mula sa di kalayuan.
Luh? Paano nya nalamang ako yun?! Galing naman manghula ng gago.
"Uyyyy! Anong lunch yun?" curious na tanong ni Wonwoo habang tinutulak tulak pa ko ng konti kaya inambahan ko sya ng suntok.
Ang harot din kasi minsan nitong lalaking 'to e. "Wala yun," sabi ko at napairap. Pero nagulat ako ng malamang papalapit sa pwesto namin si Soonyoung.
Akala ko ba nakaalis na 'to?
"Ji, di mo naman kailangan pang sulatan ako eh! Bigay mo nalang ng diretso sakin!" sabi nya habang inilahad ang tupperware sa harap ko.
"Uy hindi ako nagbigay sayo nyan?! Ikaw ba Wonwoo?!" tanong ko at pinandilatan si Wonwoo.
"Hindi ah! Bat ko naman binigyan yan?" tanong nya. Tumango nalang si Soonyoung, at mukha namang na convince sya.
Kinuha nya uli ang tupperware na may sticky note pa sa taas "Sige una na ko, akala ko lang ikaw Jiji. Hehehehe! Bye na! May practice pa!" sabi nya at tumakbo dala dala ang tupperware. Kumaway sya at kumaway din kami ni Wonwoo pabalik.
"Hoy, umamin ka nga sakin! Ikaw ba yon?" tanong ni Wonwoo. Tinignan ko lang sya ng masama.
Gago ba sya? Bat naman nya iniisip yon?
"Ano namang dahilan mo para paghinalaan ako ng ganyan?" tanong ko at tinaasan sya ng kilay.
Minsan kasi mga hinala ni Wonu, mali. Kaya malamang hindi na ko mag tataka, mamaya titigilan rin nya ko.
"Halata naman sayo Ji, wag ka nalang mag deny" sabi nya at mukhang hindi mag papatinag. Pinukpok ko naman sya ng tumbler na nasa harap namin.
"Uloel. Hindi ako 'yon! At lalong hindi ako ang dedeny!" tumango naman sya habang nakapikit.
"Sige, kunwari naniwala ako," sinamaan ko lang sya ng tingin sa sinabi nya.
So hindi sya naniniwala sakin?
"Tss. Hindi nga ako 'yon?! Bat ayaw mo maniwala?!" bulyaw ko sakanya.
Pero ang gago tumawa lang "Halata kasing guilty ka hahaha, oo nalang" sabi nya at pinisil ang pisngi ko -____-
tsk!
"Uloel! Hindi ako 'yon!" sabi ko at inirapan sya uli. Pang ilang irap ko na ba 'to?
"Alam ko namang ikaw yun Ji, wag ka ng magdeny"
"Hin-"
"Kilala na kita simula dati, sakin ka pa ba mag sisinungaling?"
"Mal-"
"Look Ji, I'm tryin' to help you okay? Ayokong masaktan ka sa pag iwas mo,"
"An-"
"Alam ko, ramdam ko, kita ko na mahal mo si Soonyoung, bakit ka pa ba mag dedeny?"
"Ab-"
"Alam mo ba, dati pa ino-observe ko na yan? HAHAHA! Actually, nagawa mo na lahat ng signs na hinihingi ko, nagawa mo na lahat ng rules, even that Seven Stages"
"P-pa-"
"Yup, ngayon ewan ko kung bakit bago sayo yan? HAHAHAHA!"
"Tsk! Oo na ako na punyeta!" sigaw ko at tumakbo paalis, rinig ko pa yung tawa nya.
Admiration, mukha nga akong secret admirer, pero ang pinagkaiba lang, alam ni Soonyoung na ako yun.
Poonyeta. 3 stages to go! Pag nacomplete 'talaga to. Aamin na ko sakanya, no matter what.
Pero no no no no no...
Alam ko namang di ko naman talaga sya gusto eh! Kaibigan ko si Soonyoung, at alam kong hanggang dun lang 'yon. Itaga nyo pa sa gums ni Hansol at Seungcheol.
BINABASA MO ANG
feelings • soonhoon
De TodoOnly for Soonhoon shippers ♡♡ + One Shots + Music Lyrics + It can be angst, one sided love or whatever. + and ofcourse smut.