💙 I hate you to the highest level; 2

951 35 3
                                    

"Panget"

".  .  ."

"Hoy Kwon Panget!"

"Bakit mas panget?"

"Aba putangina mo,  ang gwapo ko kaya"

"Easy ka lang Jinget.  Tatangayin ako"

"Punyeta ka! Dalhin mo nga tong bag ko ang bigat bigat!"

"Wow!  Feeling prinsipe no?"

"Tsk"

Agad kong inirapan si Jihoon ng malaman na tinawag nya lang pala ako para utusan. 

Like wtf?! Sarap saksakin ng chopsticks. Paakyat na kami ng hill.  Oo kingina,  nasa tuktok yung bahay na inasign samin.  At napansin ko rin na mas madaming bahay sa baba kesa sa itaas. 

I wonder kung meron ding bahay na katabi namin?  Sana meron,  para pwede akong makitulog. Ayokong katabi si Jihoon! 

Narinig ko ang mga mahihinang pagmumura ni Jihoon.  Nang makita ko sya sa peripheral vision ko,  hirap na hirap syang buhatin ang malaking bag at dalawang maleta nya. 

Napaka OA naman kasi nito, dami daming bitbit.  Buong kwarto ata binitbit nya.  Ako nga isang malaking bag lang?! 

Kinuha ko ang dalawang maleta kaya tinignan nya ko ng nanlalaki ang mata. 

"Oh akala ko ba ayaw mo kong tulungan?!" pagsusungit nya. 

Aba?!  Sya na nga tinutulungan sya pa masungit?! 

"Nakakaawa ka eh,  baka di ka na tumangkad kahit konti" kita kong inirapan nya ko kaya natawa ako ng mahina at nagpatuloy na sa pag lalakad. 

"Matangkad na ko!"

"Bago mo sabihin yan, lagpasan mo muna ako!"

"Tss"

Nagpatuloy na ko sa pag lalakad at hindi na pinansin ang mga mura nyang pabulong. If I know sinasaksak na ko patalikod nitong pandak na 'to.  Pero ayos lang,  gwapo parin naman ako sakanya. 

Habang nag lalakad kami may mga direksyon like parang arrow na parang nagtuturo ng daan samin,  as if naman maliligaw kami eh isa lang naman yung daan?  bitch please.

Wala kayong maloloko dito. 

"Hoy Kwon saan ka pupunta?!" napalingon ako sakanya ng sigawan nya ko. 

Problema ng pandak na 'to? 

"Edi sa bahay? Ano gusto mo?  Sa perya?" inis na sagot ko sakanya.

"Gago ka ba? Andito yung arrow oh! Sa sobrang liit kasi ng mata mo hindi mo makita yung arrow punyeta bigti ka na nga!" sabi nya at nauna na sa pag lalakad. 

Okay medyo pahiya ako dun. 

Dalawa pala yung daan!  Pero kanina isa lang tsk! 

Sinundan ko nalang sya hanggang sa mag stop na sya sa harap ng isang bahay. May karatula sa gilid kaya tinignan ko kung ano yun. 

"Ho. . ."

". . ."

"Hoshi and Woozi welcome to your new home?"

feelings • soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon