"JIHOOOOOOOOOOON!" sigaw ni Soonyoung mula sa labas ng bahay namin.
Tsk, ayan bahala sya! Mag dusa sya dyan sa labas! Paano ba naman pinaghintay nya ko ng halos tatlong araw sa wala! Kahapon nag hintay na ko para sakanya! Tapos ngayon naman! Ugh sobra sobra na!
"Walang Jihoon dito leche!" sigaw ko at pinakyuhan sya mula sa loob, as if namang makikita nya.
"Jihoon, sorry na pleaseee?" rinig ko naman ang kalampag nya sa pinto. Bahala talaga sya dyan! Akala nya ba hindi ko sya matitiis?! Mag dusa sya dyan!
"Wag ka ngang kumalampag dyan tangina ka! Masisira yung pintuan sayo gago!" inis na sabi ko at kinalabog ng isang beses ngunit malakas ang pinto.
Naramdaman ko naman tumigil sya kaya bumalik nalang uli ako sa sofa at nanood ng tv. Maya maya lang ay nrinig ko nanaman uli syang sumisigaw.
"Jihooooon! Sorry na kasi huhuhu,"
"Akala ko kasi saglit lang talaga yung pag uusapan namin ni Misoonya! Pero hindi pala! Hindi ko naman alam na matagal pla yung saglit nya! Huhu sorry talaga Ji-" bumuntong hininga ako at lumapit sa pinto.
"Maraming namamatay sa akala" sabi ko.
"SIGE NA OH?!"
"Mag dusa ka!"
"DI AKO AALIS DITO HANGGA'T DI MO KO PINAPATAWAD! PROMISE"
"GE IKAW BAHALA, TIGNAN LANG NATIN" sabi ko at umakyat na sa taas. Baka sakaling pag hindi na ko mag salita ay tutugil na si Soonyoung. Mapapagod din yan at aalis, gaya ng ex mo.
Pag akyat ko ay humilata agad ako sa kama namin. Na sa ngayong gabi ay akin muna.
Agad akong naligo at nag bihis para matulog dahil inaantok na ko. Nang makapag ready na ko ay bigla nalang nawala ang antok ko, punyeta.
"Nako, you're on the first stage Jihoon"
Bigla naman akong napaupo ng marinig kong magsalita si Wonwoo sa isip ko.
Gago yun ah! Pati sa isip ko ginagambala ako haup!?
Pero totoo nga ba talaga 'yon? Kasi kung ganon nasa second stage na ko?! Pero pwede namang hanggang second nalang diba?! Malay mo bukas wala na! Tapos sa susunod pa! Oh diba! Hindi ko talaga gusto si Soonyoung!
Magkaibigan lang kami! At nararamdaman kong kaibigan lang rin ang turing nya sakin! Atsaka bakit naman ako mag kakagusto sakanya? Ang pangit nya no! I'd rather love myself, di hamak na mas gwapo naman ako kay Soonyoung eh.
Pero, paano nga kung inlove ako kay Soonyoung?
"Soonyoung mahal kita" pag amin ko habang nakatakip ang mukha ko sa palad ko.
"Jihoon, mahal rin kita" nagulat ako dahilan para ma alis ang pagkakatakip ko sa aking mga mukha at dahan dahan nyang nilapat ang kanyang labi sa aking labi.
BINABASA MO ANG
feelings • soonhoon
RandomOnly for Soonhoon shippers ♡♡ + One Shots + Music Lyrics + It can be angst, one sided love or whatever. + and ofcourse smut.
