💙 My Jollibee Love Story

1.2K 28 26
                                    

MY JOLLIBEE LOVE STORY

one shot
his pov
sad story

×

Let me tell you a love story, but not a typical love story that satisfy everyone.

Tandang tanda ko pa ang araw na pumunta ako sa Jollibee. Wala, jollibee na kasi ang tambayan ng emotions ko na kahit McDo pa ang tambayan ng pag momove on, doon ako sa Jollibee nag move on.

Nag order ako ng burger at cola dahil iniisip ko na makakapag move on ako dahil doon. Sumangayon ang panahon noon, kaya feel na feel ko talaga ang pag eemote. Umuulan ng malakas at umupo ako katapat ng bintana upang mapanood ang pag ragasa ng tubig sa daan.

Gusto kong mapag isa, gusto kong umiyak hanggang sa wala ng luha, gusto kong sumigaw hanggang sa wala ng boses. Pero sa kalagitnaan ng tahimik kong pagkain umupo ka sa harap ko.

"Hi, pwede makiupo?"

"Nakaupo ka na diba? Ano pa bang magagawa ko?"

"Sungit mo naman"

Hindi na ko kumibo, nainis ako bigla sa mukha mo, bakit ang saya saya mo? Samantalang ako broken hearted dahil pinaasa. Bakit nakangiti ka samantalang ako mangiyak ngiyak na dahil ang sakit ng puso ko? Bakit hindi naman ako yung sumaya?

Habang kumakain ako, nagpakilala ka. Dumaldal ka ng dumaldal walang preno ang bibig mo, pero kahit ganun hindi parin ako nakikinig sayo. Panira ka kasi ng moment eh. Nag e-emote ako tapos biglang ganun?

Pero nagulat ako sa sunod mong ginawa hinila mo ako papunta sa second floor ng Jollibee, hindi ako nanlaban dahil bala mahulog gayong pareho. Hindi ko alam ang irereact ko,we're just strangers back then pero kung makahila ka sakin parang close tayo napaka FC mo. Dapat sa KFC ka kasi 'Kuya Feeling Close' ka. HAHAHAHA ang korni ko na pota.

Nagtaka ako kung bakit doon mo ako dinala, ang sabi mo mag lalaro tayo. Damn! Mehn 15 yrs old na ko noong panahon na yun tapos mag lalaro ako sa play ground?

Hindi na ko nakapalag ng hubarin mo ang sapatos ko't hilain ako paloob, sa sobrang lutang ko hindi ko alam nangyayari sa paligid ko, kaya madali mo lang akong napapasunod. Pagtapos ay nagpunta tayo sa balls section. Andaming bola, binato mo sakin at kung minsan ginagawa mo pang shower. Tutal andun na din naman ako at malungkot siguro sasaya ako kahit sandali lang. Nakipag laro ako sayo, pagtapos nag ikot ikot tayo, naghabulan, nagtawanan, kilitian, kwentuhan na para bang wala akong problema. Nang mapagod tayo ay nagpahinga tayo sa tahimik na parte mg Jollibee playground. Nagkatitigan tayo at nagngitian. Kaso hindi ko nagawang tanungin ang pangalan mo.

Isa lang ang masasabi ko.

Masaya. Sobrang napasaya mo ako nung araw na yun.

Simula ng araw na yun, hindi na tayo nagkita. Noong bumalik ako sa Jollibee para makipag usap sa ex ko, nakita kita. Nakita kong tinitignan mo kami ng seryoso, pagtapos naming mag usap, hindi ko maiwasang mapahagulgol. Sobrang binaba ko ang pride ko sa ex ko noon, sobrang tinapakan ko ang ego ko na halos lumuhod na ko magmakaawang bumalik sya. Halos lumuhod na ko at halikan ang mga paa nya to sorry for not being perfect.

Pagtapos nya kong iwan, nakita kong tumakbo ka papunta sa gawi ko, umupo ka sa tabi ko at niyakap ako.

"Unang kita natin malungkot ka. . . ngayon nagkita uli tayo umiiyak ka naman"

Wala akong nasabi sayo noon, pero kinonfort mo ko kahit na hindi natin kilala ang isa't isa. Kinonfort mo ko kahit naging magkaibigan tayo ng isang araw lang. Inorder mo ako ng sundae at fries. Hindi ko alam pero sinawsaw mo ang fries sa sundae at sinabing subukan ko. Hindi ko pa nasusubukan yun pero tinry ko. Oo masarap, pero hindi nito maaalis yung sakit na nararamdaman ko noon.

Nang tumahan na ko sa pagiyak tinanong mo saakin kung sino at bakit ako umiiyak ng dahil sakanya. Kinwento ko sayo na ex ko sya. Sobrang galit mo nun sakanya, magmistula ka ding tatay ko na sinesermonan ako. Bwisit na bwisit ka at tinatanong kung bakit ang tanga ko. Wala eh nagmahal lang ako.

Simula nun naging magkaibigan tayo, permanent. Nagtanungan ng address, pangalan, lumipat ka din ng school para makasama ako.

Naging bestfriend goals tayo, napaka malapit natin sa isa't isa. Nagkaroon pa nga tayo ng hideout para makapag bonding tayo kahit na araw araw tayong mag kasama. Sabado at Linggo nasa bahay ka namin, o vice versa. Pag may problema tayo, sasabihin natin sa isa't isa na magkita hindi na natin kailangan sabihin kug saan at agad tayong magpupunta sa hide out.

Sa loob ng maraming taon ikaw parin ang naging kaibigan ko. Hindi kumupas ang pagiging malapit natin sa isa't isa. Ni hindi nga tayo mapaghiwalay, Soonyoung.

Napangiti nalang ako ng maalala ko nanaman lahat ng alaala naming dalawa ni Soonyoung. Kung paano kami nagkakilala haha.

Inilapag ko ang order ko sa table, uupo na sana ako ng may tumawag sa pangalan ko.

"Jiji!"

Napatingin ako, si Soonyoung pala. Nakangiti sya, yung ngiting hindi kumukupas, his smile that never fails to pound my heart so fast.

Hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako papunta sa second floor ng Jollibee. Pinaupo nya ako doon sa tapat ng bintana at iniwanan ako. Bumaba sya, at pag akyat nya dala nya ang inorder kong fries at sundae, nakangiti parin sya saakin.

Sinuklian ko naman iyon.

Parang dati lang. . . aakyat kami dito sa taas para magsaya.

"Kasama ko pala si Seoks. . . tsaka sila Seoyoong at Soonmin" nakangiting sabi nya. Napatingin naman ako sa gilid, kasama nya nga si Seokmin. . . at ang kanilang dalawang anak.

Oo, may asawa na si Soonyoung.

Oo, mahal ko din si Soonyoung, pero wala eh, may mga bagay lang talaga na hindi pwede.

Masaya ako? Oo masaya ako, kahit na masakit sa puso na may iba syang mahal, masaya ako kasi masaya sya kahit hindi sa piling ko.

I'm happy because he finally found the man for him.

Umupo si Seokmin at ang kanyang mga anak sa harap, nakangiti sya sakin. Umupo naman si Soonyoung sa tabi nila, sa tapat ko.

Kumuha ako ng fries at di-nip sa sundae. . . gaya ng tinuro saakin ni Soonyoung.

Sa lahat ng nangyari isa lang ang natutunan ko.

Doon ko naunawan ang isang bagay. Na hindi lahat ng gusto mo, nakukuha mo. Pero kahit ganon, masaya akong naging parte ka ng buhay ko, Soonyoung.

•✨———🌸———✨•

so ayun hello guys.
i miss you, ilang linggo na kong
di nagpaparamdam, i'm sorry huhuhu.
pero em baaaaack! ヾ(@^∇^@)ノ
anyways, inspired yan doon
sa isang jollibee commercial
na napanood ko sa fb.
xo xad (ಥ_ಥ)

feelings • soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon