"Gwaenchana gwaenchana... " kasalukuyan akong nandito sa may AVR, as usual pinapanood si Soonyoung na mag perform.
Pagtapos kasi ng klase, agad akong diretso dito, mas maaga kasi sya mag dismiss dahil mag ppraktis sya. Bali half day lang sya pumapasok dahil may upcoming contest at kasama sya sa mga mag peperform.
Sa katunayan nga sya pa ang performance leader! Lodi talaga 'tong si Soons eh!
"Puso ko ay titibok tibok parin sayo~
Isang halik mo lang at ako'y tinatabla-" napatingin ako sa kumakanta."UY WONU!" sabi ko, tumingin naman. sya sakin at ngumiti.
"Kanina pa ko dito? Ngayon mo lang ako napansin?"
"Hala eh sorry na-"
"Akala ko nga di mo na ko mapapansin eh, titig na titig ka kasi kay Soons" sabi nya kaya natawa ako.
Ito nanaman sya, ipipilit nanaman nyang may gusto ako kay Soonyoung kahit wala naman talaga.
"Kung ipi-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng lumapit na si Soonyoung, kaya inbutan ko sya ng tubig.
"Ehem! Hmm! Hmm! Tangen may. plema ata ako" tinignan ko naman ng masama si Wonwoo.
"Gago ang dugyot mo! Lumayas ka nga!" sabi ko at babatuhin sana sya ng water bottle ng nakatakbo na sya papunta dun sa mga rapper.
Kunwari, manonood sya, susulyap lang yan kay Mingoy.
"Uji, di ka pa ba uuwi?" umiling ako habang kinukuha ang towel sa may bag ko.
"Hihintayin kita," sabi ko at pinunasan ang pawis nya. Nag katama naman ang mga mata namin, kaya umiwas ako.
Bat ganun? Shit.
Bat parang may kuryente? Tangina ano yun?! May spark?! Spark ng kuryente?!
"Oh, bat natulala ka dyan?" nabalik ako sa ulirat ng pitikin ni Soonyoung ang noo ko.
"Aray!" hinawakan ko naman ang tenga nya at piningot. Sige pitikin mo pa ko gago.
"A-aray. Arayyyy!" pilit nyang inaalis ang kamay ko, pero hindi nya maalis at nung masigurado kong namumula na ang tenga nya binitawan ko na agad.
Tinignan naman nya ko ng masama habang himas himas ang tengang piningot ko. Tapos naka pout sya, oo na soonyoug putaena ikaw na ang cute!
Umupo naman kami sa may bleachers. Break muna daw nila eh, buti nalang at hindi ko pa minakain ang choco mousse na nasa locker ko kanina na nasa bag ko na ngayon.
Hindi ko pa pala nasasabi na may letseng nag papadala ng pagkain. Pero iniiwan nya sa loob ng locker ko, hindi ko nga alam kung paano nya nabubuksan kasi nilolock ko naman yun! Pero buti nalang pag nag lalagay sya wala syang kinukuha.
Hindi rin sya nag papakilala pero tuwing may pagkain syang nilalagay may note na nakasulat tapos yung codename nya. Dalawang taon na nag papadala 'to kaya hinahayaan ko nalang, imported naman mga pagkain eh, minsan nga whole cake pa. Nung birthday ko, pero iniwan lang sa tapat ng bahay namin.
Wala eh, ganyan talaga pag Lee Jihoon 😎, charms eh. Sorry not sorry.
"Oh," sabi kk at inilabas ang choco mousse.
"Woooooow! Saan mo galing 'to?" tanong ni Soons, tapos nanlalaki pa ang mata. Hindi ko nga alam kung nagulat sya o namangha eh.
"Galing kay 'Hoon'" tumango naman sya habang nilalantakan yung cake.
"Woooah! Nag papadala parin pala sya sayo" tumango nalang ako. After ilang minutes pa, natapos na ang break at nag simula na uli silang sumayaw.
Bigla namang may tumabi sakin at alam kong si Jeon Wonwoo yun kasi sinusundot sundot nya yubg pisngi ko letse -_______-
"Ayieeeeee~ crush mo si Soons nooo?" tanong nya. Iritado naman akong tumingin sakanya.
"Hindi ko sya crush okay?! Bakit mo naman nasabi?!"
"Wala lang, napansin ko lang. Kaninang andyan si Soonyoung, nasa ngiti ka, halos mawarak na nga yung ngiti mo at sakanya mo lang pinapakita yun! Tapos nung tapos na yung break simangot ka na ulit!" sabi nya tapos sinusundot sundot pa ko sa tagiliran.
Gago ba to?!
"Malamang?! Alangan ngingiti ako mag isa dito diba?!" pinukpok ko naman sya sa ulo ng bote dahilan para mapangiwi sya.
Rt, hindi naman masakit nyeac nyeac.
"Nyeac nyeac! Aminin mo na kasi crush mo si Soonyoung~" nakapoker face ko lang syang tinignan.
"Dahil lang don crush agad?!"
"Gusto mo ba isa isahin ko~"
"Try me"
"Kapag binabati kita ng good morning, ngingiti ka lang ng tipid at papakyuhan pa ko. Pero pag si Soonyoung hyung, babatiin mo pa sya at halos mapunit na yung bibig mo sa lawak ng ngiti mo tap-"
"Tsk, oo na!"
"Ayieeeeee~ so crush mo nga sya?! " umiling ako at halata sa mata nya na disappointed sya.
"Hindi ko alam, pero sapat na bang dahilan yung kapag wala sya hinahanap ko? hindi ako ganito dati" nag blush naman ang gago.
"Oo! Hihi~ crush mo nga talagaaaa~" sabi nya at hinampas hampas pa ko.
Crush nga ba talaga kita, Soonyoung?
BINABASA MO ANG
feelings • soonhoon
AcakOnly for Soonhoon shippers ♡♡ + One Shots + Music Lyrics + It can be angst, one sided love or whatever. + and ofcourse smut.