Chapter 4

10.8K 191 22
                                    

Chapter 4

This is the day.

This is their day.

Ito ang araw na pinapangarap ng bawat babae.

Ang makasal sa lalaking pinaka mamahal nila.

Ang lalaking gusto mo makasama habang buhay.

Ang lalaking kasama mo na bubuo ng isang masaya at kumpletong pamilya.

Ang lalaking mahal na mahal mo at higit sa lahat mahal na mahal KA.

Ngunit hindi para kay Sabelle. Para sa kanya ang araw na ito ay isang bangungot na gusto na niyang magising.

Bumaba na siya sa kanyang bridal car. Ngayon ay nakatayo na siya sa pintuan ng simbahan kung saan siya mag mamartya.

Bago siya lumakad, hindi niya maiwasang tignan at mamangha sa ganda ng simbahan.

Napaka ganda ng simbahan.

Perfect place. Perfect scenario para sa dalawang tao na mag iisang dibdib na tunay na nagmamahalan.

Kumpleto ang lahat. Naandoon ang lahat ng kamag-anak nila. Ang Fernandez clan at Park clan. Hindi din mawawala ang kanilang mga kaibigan, classmates at mga malalaki at bigating tao sa larangan ng business. Lahat sila ay magiging saksi sa kanilang pag iisang dibdib.

It's a perfect wedding

.

.

.

.

.

.

For a perfect couple.

Napangiti siya ng mapait bago simulang mag martya papunta sa altar.

Ang mommy Kate at daddy Dex niya ang maghahatid sa kanya papunta sa altar.

As she walked through the aisle. Hindi niya inaalis ang tingin niya sa pinaka mamahal niyang lalaki, ang kanyang best friend at bestman sa kanilang kasal. Si James.

Iniisip na lamang niya na si James ang nag aantay sa kanya sa altar para sa kanilang kasal.

Masayang masaya ang lahat ng matapos ang kanilang kasal. Walang humpay ang pag bati at panunukso sa bagong kasal. Akala siguro ng mga tao na tunay silang nagmamahalan.

Kasama niya ngayon ang asawa sa sasakyan at patungo sila ngayon sa condo ng asawa.

Walang imikan sila sa loob ng sasakyan. Wala naman siyang sasabihin dito. Baka pag nag salita pa siya ay magalit at mairita ito sa kanya kaya pinili na lamang niyang manahimik.

Sa totoo lang kinakabahan siya. Hindi na siya bata para hindi na niya mahulaan ang gagawin ng mag-asawa pagkatapos ng kasal.

Napaisip siya.

Kaya niya ba ? Handa na ba siyang ibigay ang pinaka iingatan niya ? ang lahat lahat ? Sa lalaking mahal niya gustong ibigay ang lahat lahat sa kanya ngunit hindi na niya ata magagawa iyon.

Impossibleng hindi nila gawin iyon dahil mag-asawa na sila. Ang bawat partido naman ay nag hahangad din ng apo na mula sa kanila.

Napabuntong hininga na lamang siya sa naiisip. Piniling niya lamang ang kanyang ulo sa simbahan upang tignan ang kanilang daraanan.

Nagtaka siya dahil hindi naman ito ang daan papunta sa condo ng asawa. Gusto niyang mag tanong ngunit hindi na lamang niya ginawa dahil natatakot siya dito.

Hanggang sa makarating sila sa parang isang napagandang bahay. May sumalubong sa kanila upang kuhanin ang kanilang mga gamit. Nauna ng pumasok sa loob ng bahay ang kanyang asawa. Napagpasyahan niya na libutin muna ang paligid.

Please be Nice to Me Mr. Hot ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon