Chapter 17

7.3K 112 4
                                    

Chapter 17

"Manang sobra naman po ata ang dala ninyong pagkain."

Pangalawang araw na ni Sabelle ngayon sa ospital. Pinayuhan siya ng kanyang doctor na manatili muna ng ilang araw dahil maselan ang kanyang pagbubuntis. Muntik na siyang makunan noong araw na nalaglag siya sa hagdanan. Laking pasasalamat niya dahil nakaligtas ito.

"Para sayo lahat 'yan."

"P-po ? Para sa akin lahat ?" parang nabingi siya. Uubusin niya lahat ng pagkain na dala nito ?. Eh halos limang katao na ang pwedeng makakain nito.

"Oo. Binilin 'yan ni Ralph bago pumasok sa opisina."

"Ehhhh manang sobrang dami naman po pati hindi ko po kaya ubusin 'yan."

"Ano ka bang bata ka. Syempre hindi mo kakainin 'yan ng sabay sabay atsaka dalawa na kayong kumakain. Gusto mo bang magtampo sayo ang asawa mo ?... Pinadala pa naman niya 'yan"

"Syempre hindi po. Lalo na po ngayon na medyo okay na po kami."

Ngumiti lamang ang matanda sa kanya.

"O ito hija kainin mo, maganda 'yan sa inyo ni baby."

"Pahingi po manang....Salamat."

Sobrang saya ang nararamdaman niya ngayon. Bukod sa medyo okay na sila ng asawa ay magkakaroon pa sila ng anghel na darating sa buhay nila. Para siyang teenager na kinikilig pag naalala niya ang asawa.

Marami siyang plano. Gusto niyang magkakaroon ng isa ngmasaya at buong pamilya. Magkakaroon sila ng maraming anak. Mamahalin, tuturuan magkaroon ng takot sa diyos, palalakihin ng maayos, tapos ibibigay nila ang lahat ng pangangailangan ng mga anak.

Hmmnnn.....Ano kaya ang itatawag sakanila ng magiging anak nila ?... mama at papa ba ?.... mommy at daddy kaya ?.... dad and mom---

"SABELLE !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Bumukas ng malakas ang pintuan ng kanyang room. Dumating ang kanyang mga kaibigan. Sila Jenelle, Rhianne, Mico at Lester. Parang may kulang ?

"Hoy ! Jenelle huwag ka nga sumugaw ! wala tayo sa palengke nasa ospital tayo !" suway ni Rhianne sa kanya.

Please be Nice to Me Mr. Hot ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon