Chapter 20

6.4K 88 1
                                    

Chapter 20

Papunta siya ngayon sa kanilang school upang kumuha ng kanilang credentials na gagamitin nila upang makapag apply ng trabaho. Saan kaya siya mag aaply ? sa kanila ba ? sa asawa niya ? o sa ibang company ?

"Hey, Sabelle ! What's up ?" napatingin siya sa tumawag.

"O ikaw pala Mico."

"Nakuha muna ba ang mga credentials mo ?"

"Hindi pa nga eh. Ang haba kasi ng pila."

"SABELLE !!!!" walang duda si Jenelle iyon.

"Hi guys !" bati niya sa mga kaibigan including Lester. Mukhang bantay sarado si Rhianne dito.

"Nakuha muna ba ang mga credentials mo ?" si Jenelle.

"Gaya gaya ng dialog." rinig niyang bulong ni Mico.

"ANONG SABI MO ?!!" simula nanaman ang world war 3.

"Hep ! Hep ! Magsisimula nanaman kayo sa world war 3 ninyo at sa mismong harap pa ni Sabelle. Pano kung mabingi iyong inaanak ko ha !" awat ni Rhianne sa mga ito.

Mabuti naman at hindi na sumagot ang dalawa kay Rhianne. Kahit siya ay naiingayan na din eh. Dati naman ay okay lang sa kanya mag bangayan ang mga ito. Siguro dala na din ng kanyang pagbubuntis.

"So Sabelle, nakuha muna ba ?"

"Hindi pa eh."

"Bakit ?"

"Ang haba kasi ng pila Rhianne. Namimintig ang mga binti ko pag matagal naka tayo." Hinila nito ang kanyang kamay. "Teka lang ! Saan ba tayo pupunta ?"

"Kukunin ang credentials mo."

"Ha ? mamaya na mahaba pa ang pila." tuloy pa din ang pag hila nito sakanya.

"Akong bahala." At kumindat pa ito sakanya.

Nakarating sila sa may registrar at katulad nga ng inaasahan ay mahaba ang pila.

"Hoy ikaw ! doon ka sa dulo at itong kaibigan ko muna ang kukuha." walang prenong sabi ni Rhianne sa lalaking nakapila na bandang nasa unahan.

"Rhianne, ano kaba ayos lang mamaya na ako pipila." hinigit pa niya ang braso ng kaibigan ngunit hindi nagpatinag.

"Miss, kanina pa ako dito nakapila. Hindi ba kayo marunong pumila ?"

Please be Nice to Me Mr. Hot ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon