Chapter 37

5K 82 0
                                    

Chapter 37

Sabelle's POV

"Good morning manang !" Bati niya sa matanda at niyakap niya ito mula sa likod. Maganda ang gising niya. Hindi niya alam kung bakit ? Siguro na sa kanya na lahat. Malapit na niyang isilang ang kanilang supling at meron siyang isang mapagmahal na asawa.

Speaking of her husband, maaga itong umalis dahil maraming naiwan na trabaho buhat ng magbakasyon sila.

"Mukhang maganda ang gising ng alaga ko ah." Naglapag ito ng pinggan at sinimulan siyang hainan.

"Wow ! Manang mukhang masarap ito. Syempre manang dapat always happy."

"Ikaw talagang bata ka. Sige kumain ba kana at mukhang nagugutom na din si baby. Tawagin mo na lang ako pag may kailangan ka ha." Tumango siya bilang sagot.

Pagkatapos niyang kumain naisipan niyang magpahangin sa garden. Umupo siya sa may duyan.

"Ano kayang magandang ipangalan sayo baby ?" Hinihimas himas niya ang kanyang tiyan. Napangiti siya ng sumipa ito.

Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip ng may maaninang siyang babae na nag kakandahaba-haba na ang leeg sa pagsilip sa kanilang gate.

Namukaan niya ito. Ito 'yon babae na nakita niya sa restaurant at tinawag siyang anak !

Tumayo siya at nilapitan ito. Lumabas siya upang maka-usap ito ng maayos.

"May kailangan po ba kayo ?" Tanong niya dito. Pipi ba ito ? Dahil sa tuwing tatanungin niya ito ay hindi ito sumasagot. Katulad na lang ngayon nangingilid ang luha nito at unti-unting lumapit sa kanya.

Sinalubong niya ang pag lapit nito.

"May problema po ba ?" Hindi na naman sumagot sa halip ay niyakap siya mahigpit. Umiyak ng umiyak ito sa kanya. Hinayaan niya lang ito. Naawa siya sa babae. Nakikita niya kasi ang kanyang mommy dito.

Nang biglang nawalan ito ng malay.

***

"Manang, kamusta na po siya ?" Tanong niya.

"Hija Sabelle, hindi ba sinabi ko na sa sayo na doon ka muna sa silid ninyong mag-asawa ?"

"Pero po manang gusto ko po malaman ang kalagayan niya."

"Pakiusap Sabelle huwag matigas ang ulo !" Tumaas na ang boses nito. Bihira sa matanda ang mag taas ng boses. Galit na ito. Kaya sumunod na lang siya.

Bago lumabas nakita niya sa sulok ng kanyang mata na dinukot ni manang ang sariling cellphone. Marahil ay may tatawagan ito.

Please be Nice to Me Mr. Hot ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon