Chapter 32

5.4K 70 1
                                    

Chapter 32

Ralph's POV

Kinapa-kapa niya ang kama kung saan naka pwesto ang asawa.

Wala.

Wala siyang katabi. Ibig sabihin lang non ay hindi ay bumalik si Sabelle sa kanilang kwarto pag katapos ng nangyari sa kanila.

Hindi na niya ito sinundan pagkatapos dahil gusto niyang bigyan ng space ang asawa. Alam niyang mahirap sa parte nito na tanggapin ang nangyari.

Pumikit siya ng mariin at hinilot ang sintido.

Nasaan na ba si Sabelle ?

Napag pasyahan niyang bumangon para na din kausapin ang asawa. Hindi niya kayang hindi siya nito pansinin kaya habang maaga pa ay aayusin na niya kung ano man ang hindi nila napag kakaintindihan.

Bumaba siya at nilibot ang mata sa buong mansion.

Wala siyang asawa na nakita.

"Manang.." umupo siya sa dinning table. "... where's My wife ?"

Bahagyang napatigil ang matanda sa pag-aayos ng hapag kainan. Takang napatingin ito sa kanya.

"Bakit hijo, hindi mo ba alam na umalis si Sabelle ?.. Maaga siyang umalis.. hindi na ako nag tanong dahil ang alam ko ay alam mo ang kanyang pag-alis.. nag tataka nga ako kung bakit sobrang aga naman ng lakad niya..."

Umalis ? shit ! Saan naman nag punta ang asawa ? Maselan pa naman ang pagbubuntis nito.

Hindi siya umimiik sa turan ng matanda. Abala siya sa pag-iisip kung saan maaring tumuloy ang asawa.

"May problema ba kayong mag-asawa ?" nabalik ang kanyang isip sa kasalukuyan ng magtanong si Manang Rosa.

Matagal siya bago nakasagot.

"My Sab.. A-alam na niya.." Nahilamos niya ang mukha.

Nasaan na ba kasi ang kanyang asawa ?

"Anong ibig mong sabihin hijo.."

Tumingin siya sa kausap. "About Mabelle.. Our past.. Shit ! dapat hindi ko na lang sinabi sa kanya ang lahat kung alam ko lang na mag kakaganito kami..."

Kahit na lalaki siya pag dating kay Sabelle nagagawa niyang umiyak.

"Shhh.. tahan na hijo.." hinagod nito ang kanyang likod.

"Hindi k-ko kaya manang... sana.. sana hindi ko na lang sinabi."

"Hijo, makinig ka..tama ang desisyon mo na ipagtapat kay Sabelle kung ano man ang nakaraan ninyo ng kanyang kapatid... asawa mo siya karapatan niya 'yon... Bigyan mo muna siya ng oras na maunawaan at tanggapin ang lahat. Mabait ang asawa mo.. siguradong babalik din dito 'yon.."

Gumaan ang kanyang pakiramdam nang masabi niya ang loob sa matanda. Hindi na siya nahiya.. para na niyang pangalawang ina iyo, sila ni James..

"Hindi ka masyadong nakatulog ano ?"

Ngumiti siya. Kilalang-kilala talaga siya nito. "Ayy.. Gugustuhin mo bang makita ka ng asawa mo sa ganyang itsura ? baka imbes na umuwi 'yon ay huwag ng tumuloy."

Kahit na alam niyang biro 'yon ay hindi niya pa din nagustuhan ang huling sinabi nito na 'baka imbes na umuwi 'yon ay huwag ng tumuloy.'

Huwag naman sana.

Please be Nice to Me Mr. Hot ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon