Chapter 31

5.5K 81 0
                                    

Chapter 31

*Flashback*

"Sir Ralph, heto na po 'yon flower na pinaorder ninyo para kay Ma'am Mabelle.. nakow sir sigurado lalong maiin-love sa inyo si ma'aam.." masayang turan sa kanya ng kanyang secretary.

Inabot niya ang bulaklak mula rito at pinagmasdan. Napangiti siya. Siguradong magugustuhan ito ng kasintahan.

"How about the reservation for our dinner ?"

"Ay sir.. Ayos na po. Nakapag pareserve na po ako."

"Good. You can leave now."

"Welcome sir.. Ang swerte ni Ma'am Mabelle.."

Napangiti siya sa turan ng sekretarya. Tinawag niya ito muli bago tuluyan lumabas ng kanyang opisina.

"Yes sir ?.."

"You can go home earlier."

"T-talaga po sir ?"

"I'm serious.."

"Yes !! Maraming salamat po." Tumango lang siya dito at tuluyan ng lumabas ang sekretarya.

Iniisip niya kung ano kaya ang magiging reaksyon ng kasintahan kapag nalaman nito na ipinagkasundo sila ng kanilang mga magulang upang ipakasal ?

Maaga niyang tinapos ang kanyang trabaho upang sunduin sa tamang oras ang trabaho.

Wala pang 30 minutes ay nakarating na siya sa opisina ng kasintahan. Hindi na siya nahiyang dalhin ang bulaklak, bakit pa ? para naman ito sa taong mahal niya.

"Ang hot talaga si sir Ralph ano ? Ang swerte ni Ma'am Mabelle."

"Oo nga eh. Nakakainggit nga."

"Siguro ang gaganda at gwapo ang magiging anak nila."

"Sana ako na lang si Ma'am Mabelle."

Ilan lang 'yan sa bulungan na naririnig niya.

Nakarating siya sa floor kung nasaan naandon ang opisina ng kasintahan.

Dahan dahan niyang binuksan ang pintuan at laking tuwa niya ng hindi ito naka-lock.

Balak niyang sorpresahin ito.

Nakatalikod ito sa kanya at halatang may kausap sa cellphone.

Please be Nice to Me Mr. Hot ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon