Chapter 22

6.2K 86 3
                                    

A/N: ENJOY READING !!!!!

^____________^

******************************************

Chapter 22

Ralph's POV

Maraming naiwang gawain siya nitong mga nakaraang araw. Hindi siya nakakapagtrabaho ng matino dahil innisip pa rin niya kung bakit nasa bahay nilang mag-asawa ang kanyang kapatid.

Natatakot naman siyang tanungin ang asawa dahil baka hindi niya magustuhan ang sagot nito. Naiisip niya na baka nag kakamabutihan na ang asawa at kanyang kapatid ng hindi niya nalalaman.

Mababaliw na siya kakaisip kung ano ba talaga ! Kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa naalis ito sa kanilang bahay. Anong dahilan nito ? Para ano ? Para agawin sa kanya ang asawa ? Hindi niya papayagang mangyari iyon.

Napabalik siya sa realidad ng may pumasok ng walang katok katok sa kanyang pintuan. Dire-diretso itong tumungo sa kanyang receiving area. Nilapag nito sa center table ang beer in can na dala-dala at prenteng umupo.

"Yo !" Nakasaludong bati nito sakanya. Kumunot ang noo niya dito.

"What are you doing here James ?" kalmadong tanong niya pero sa totoo lang ay gusto na niyang paalisin ito.

"Easy Kuya. Kararating ko pa lang ay mukhang gusto muna akong paalisin ah !" cool na sagot nito sa kanya.

"Tsk. What do you want ?"

"Let's have a drink Kuya." at inalok dito ang dalang beer in can.

"I have no time for that." binalik nito ang tingin sa hawak na folder. "Kung wala ka namang kailangan, my door is widely open. Just Leave."

"Tsk. Bitter." rinig niyang sambit ng kapatid. Hindi niya alam kung bulong ba ito o sadyang pinaririnig lang sa kanya.

"What did you say ?"

May lumipad sakanya na isang beer in can at nasalo naman niya ito. "Sabi ko BITTER ka !"

"A-anong..." napatayo siya sa upuan dahil sa tinuran ng kapatid.

Nakita niyang lumapit ito sa table niya na may hawak din na beer.

"Gusto lang kitang makausap kuya masama ba 'yon ?"

Napaupo siya at ininom ang hawak na beer.

"Marami pa akong gagawin James." sa totoo lang ay ayaw niyang makausap ang kapatid. Baka kung ano lang ang sabihin nito sakanya o baka naman kaya gusto nitong makausap siya ay para ibalita na sila na ng asawa.

Please be Nice to Me Mr. Hot ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon