Chapter 28

6K 86 2
                                    

Chapter 28

Sabelle's POV

"I love you too..... Sab..."

Nabigla siya sa narinig. Sobrang matagal na niyang hinihintay na marinig ang mga salitang 'yan mula sa kanyang asawa.

Syempre, sino bang asawa ang naghahangad na hindi mahalin ng sariling asawa diba ?

Possible kayang mahal na din sya nito ? Kasi diba hindi nila kailangan na magpanggap dahil in the first place sila lang naman ang tao sa kanyang kwarto ?

O

Baka naman pampalubag loob sa kanya dahil nadulas at nasabi na mahal niya ang asawa ?

Hindi siya makahinga sa isiping 'yon.

Nanatili pa din na nasa ibabaw niya ang asawa. Inaantay nito ang kanyang reaksyon.

Bumangon siya at tinulak niya ito ng bahagya. Tumalikod siya dito.

Hindi na niya napigilan ang mapaiyak. Sinubsob na lamang niya ang mukha sa kanyang mga palad.

Dapat masaya siya eh.. Pero hindi eh.. Unang-una hindi niya alam kung totoo ba 'yon. Does he really mean it ? Oh... how she wish !

"S-sab ? what's wrong ?" halata sa boses ng asawa ang pagkataranta.

Umiling siya.

"Hey.. mommy.. please tell me.. what's wr----"

"Please Ralph.. hindi kasi magandang biro 'yon eh." Nanatili pa rin siyang nakatalikod.

"B-biro ?"

"Oo ! inaamin ko ! Nadulas pa nga ako eh at nasabi kong mahal kita.. pero sana.. please wag mo naman paglaruan ang nararamdaman ko.. Nahihirapan kasi ako... masakit..."

Hinawakan nito ang kanyang balikat at pinaharap.

"Look.."

"Please look at me.." hindi pa rin kasi niya tinatanggal ang kamay sa kanyang mukha.

Umiling siya.

Narinig niyang nagbuntong hininga ito at nagulat na lamang siya ng pwersahin nitong tanggalin ang kamay niya sa kanyang mukha. HIndi naman masakit ang pagkakatanggal sa kanyang kamay. Napaiwas siya ng tingin.

"Listen to me.. *sigh* Don't think that I was joking.. I don't know kung kailan ko 'to naramdaman.. basta one day when I woke up.. I realized that I love you.." sincere na pahayag nito sa kanya.

Please be Nice to Me Mr. Hot ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon