Chapter 18

6.9K 96 5
                                    

A /N: WARNING !!! SPG included.

Enjoy Reading ;)

**********************************************

Chapter 18

Naalimpungatan si Sabelle ng makaramdam ng gutom. Nakauwi na sila galing sa ospital noong isang araw pa. Hindi na niya ginising ang asawa dahil mahimbing ang tulog nito. Ikaw ba naman ang mag pabalik balik sa ospital at opisina hindi ka kaya mapapagod ?

Hinalikan muna niya sa labi ito at dahan-dahang bumaba ng kama. Nagtungo siya sa kusina upang maghanap ng pagkain.

Halos ipabili na nga ni Ralph ang pagkain sa buong palengke dahil sa nagiging mapili siya. Hindi naman siya mapili dati. Nagiging maselan na din ang pang-amoy niya kahit mismong si Ralph ay ayaw niyang maamoy.

'Hay ! hirap pala ng buntis !... Baby 'wag kang magtatampo kaya ko pa naman.....love ka ni mommy.' usal niya sa sarili.

Hindi siya makapili sa pagkain. Hanggang sa naka kita siya ng ice cream ! Strawberry flavor ! color pink !

*_____*

Halos maubos na niya ang kalahati nito.

"Hindi ka kaya samain dyan ?"

"Oh Ralph gusto mo ?" sabay lapit niya ng gamit niyang kutsara na may laman na ice cream sa bibig nito.

Natuwa siya ng sinubo ito ng asawa. Ayan... tama 'yan bawal tanggihan ang buntis.

"Upo ka."

Tinuro niya ang upuan na kalapit niya. Sumunod naman ito at tinuloy niya ang pagkain.

"Tsk.. Tama na baka samain kana. Ang aga aga ice cream." inagaw ni Ralph ang ice cream sa kanya.

"Ehhhhh Ralph naman eh... hindi pa ako tapos kumain...."

"Ito kainin mo." inabutan siya nito ng oatmeal.

Nilayo niya ang pagkain na binigay nito.

"Ayoko nan... gusto ko ice cream !" Nakangusong sabi niya.

"Tsk. Obstinate wife....Here.. Last na 'yan."

Lumuwang ang kanyang ngiti.

"Yes boss."

Tumayo siya at hinalikan sa pisngi ang asawa bilang pasasalamat. Nakita niya na ngumiti ito.

Kumain na din ito gaya niya. Hindi nga lang ice cream ang kinain nito. Ito na dib kumain ngoatmeal na hinanda nito para sa kanya.

"Ahh.. Ralph"

"Hmmnn ?" hindi ito nakatingin sa kanya.

"Ano kasi... aalis ako mamaya... may pupuntahan sana ako..."

Nakow ! Hiling niya na sana pumayag ito at huwag ng mag tanong ng kung anu-ano. Baka masabi pa niya na bibili siya ng regalo para dito.

"Where ?"

Iyan na nga ba ang sinasabi niya. Nagsisimula na itong mag tanong.

"S-shopping." anu ba ayan bakit ba siya nauutal !

"What ?"

Wahhh ! para naman itong detective. Dapat makaisip siya ng magandang sasabihin.

"Ng a-ano... maternity dress !" Napakagat siya sa labi.

Toinks.. maternity dress ? eh ang liit liit pa nga ng kanyang tiyan..

'Minsan talaga hindi ka nag iisip ng matino Sabelle !" bulong niya sa sarili.

Please be Nice to Me Mr. Hot ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon