Chapter 16

7.2K 121 2
                                    

Chapter 16

"SINASABI KO SAYO KUYA. SA ORAS NA MAY MANGYARI MASAMA KAY SABELLE. HINDI KITA MAPAPATAWAD KAHIT KAPATID PA KITA

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

AT HINDING HINDI MO NA SIYA MAKIKITA ! ILALAYO KO SIYA NG TULUYAN SA IYO !."

Wala na sa haarapan niya ang asawa niya pati na rin si James. Mga ilang minuto na rin simula ng umalis ang mga ito.

Paulit ulit na nag p-play sa utak niya ang mga huling sinabi sakanya ng kapatid bago umalis. Hindi imposibleng magawa ng kapatid ang binanta nito sa kanya. Alam niyang wala siyang laban. Alam niya na mas pipiliin ni Sabelle si James. Sa simula pa lamang ay alam na niyang may pagtingin ang asawa sa kanyang kapatid.

Kung nasa katayuan siya ni Sabelle ay hindi niya din niyang nanaisin na makasama ang tanong nagpapahirap sakanya at hindi man lamang mag bigay ng pagpapahalaga.

Wala siyang kalaban laban sa kapatid. Lalo na ngayon na mukhang buntis ang asawa at maari itong makunan ng dahil sa kanya. Pero takot lang naman siyang maagawan at maiwang muli sa pangalawang pagkakataon. Sinisisi niya ang sarili sa nangyari. Kasalanan niya.

Hindi niya kakayanin na magalit ang asawa at mawala ang kanilang magiging anak. Kahit papaano ay may puwang na rin sa puso niya ang asawa. Isipin pa lang niya na lalayo ito at sasama sa kapatid ay para nang pinipiga ang kanyang puso. Hindi niya kaya.

"Hijo, hindi ka ba pupunta sa ospital upang dalawin si Sabelle ?" tumingin lang siya rito. "Baka hanapin ka niya."

Hindi na niya napigilan ang sarili. Napayakap na siya sa matanda at doon binuhos ang nararamdaman. Napaiyak siya sa huling sinabi nito.

"Impossible Manang. Sigurado akong hindi niya ako gustong makita. Ang sama ko Manang....Masama akong asawa."

"Shhhh....tahan na. Sigurado akong hindi magagawa ni Sabelle na magalit sayo...Bakit hindi mo subukang magpaliwanag ?......Alam kong may sarili kang dahilan kung bakit mo nagawa ang mga bagay na 'yon.....sabihin na natin na hindi mo sinasadya pero nangyari na eh.......ang maaari na lamang nating gawin ay itama ang lahat. Sa mga pagkakamali natin ay may natutunan tayo na maari nating ikatatag sa buhay.....Tandaan mo na ang asawa ay hindi sinasaktan bagkus ay minamahal at pinahahalagahan.....HIndi pa huli Ralph.......itama mo ang lahat....alisin mo na ang hinanakit mo puso.....Iba ang asawa mo sa ate niya. Ibang iba.......Mabait ang asawa mo... siguradong maiintidihan ka niya.... mag simula kayo ulit...."

Tumango lamang siya rito. Hindi siya nahihiyang ipakita sa matanda kung sino ba talaga siya. Simula't sapol ay ito na ang nag alaga sa kanilang mag kapatid. Kung tutuusin ay mas kilala pa siya ni Manang Rosa kesa sa sariling ina.

Natauhan siya sa pangaral nito. Siguro nga hindi pa huli ang lahat. Dapat na siyang matutong mag patawad at buksan muli ang kanyang puso.

***

"Congratulation hija. Magiging ina ka na !" Masayang bati ni Manang Rosa.

5 weeks pregnant siya. Hindi siya makapaniwala sa ibinalita ng doktor tungkol sa kalagayan niya. Magiging ina na siya.

"Oo nga po Manang, hindi pa rin po ako makapaniwala na magiging ina na ako." hinaplos niya ang kanyang tyan kahit hindi pa ganun kalaki.

"Panigurado matutuwa ang lahat sa magandang balitang iyan ! Teka ! ako muna ay lalabas para bumili ng pagkain. James, hijo ikaw muna ang bahala." bilin ng matanda sa kanila.

Please be Nice to Me Mr. Hot ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon