Chapter 9

7.8K 145 4
                                    

Chapter 9




Abalang-abala si Sabelle sa pag hahanda ng pagkain para kay Ralph. Gusto niyang bumawi sa asawa. Oo, inaamin niya na may mali rin naman siya dahil nakalimutan niya ang sinabi ni Manang Rosa na umuwi siya ng maaga dahil nag pahanda si Ralph ng dinner.




Ang hindi niya maintindihan kung bakit ng umuwi siya noon ay may sinabi ito tungkol sa 'kissing practice' ?





Wala naman siyang natatandaan na nakipag halikan siya sa ibang lalaki noong araw na 'yon. Maliban na lamang sa ginawa ni James na pag halik sa kanyang cheeks.




Hindi naman niya makita kung ano ba ang mali doon ? Napabuntong hininga na lamang siya. Siguro dapat mas lalong maging maingat siya sa mga kinikilos niya.





Naalala na naman niya ang supposed to be dinner nila ng asawa. Napaisip siya, kung natuloy kaya ang dinner nila maayos kaya sila na ngayon ? Kahit bilang mag kaibigan lang ?...............




***Flashback****



"Oh my God...... I'm sorry Ralph."



Napaiyak na siya ng tuluyan. Kasalanan niya kung bakit ganon na lamang ang galit nito. Nakalimutan niya talaga ang sinabi ni Manang na umuwi ng maaga.




Tumingin siya sa garden kung saan abala ang mga katulong na iligpit ang mga gamit na dapat ay dinner nilang mag asawa.






Napaka ganda ng hardin. Puno ito ng christmas light na nag sisilbing ilaw dito. Pero ang nakaagaw sa kanya ng pansin ang nag iisang table na nasa gitna.




Nilapitan niya ito. May candle ito sa gitna at may wine. May dalawang set din ng pinggan, glass wine, kubyertos at iba pa.





Napaupo siya sa malapit na upuan dahil nang hihina siya. Tuloy pa din ang pag landas ng luha sa kanyang mga mata.







"I'm sorry Ralph..... I'm really sorry."




Lumapit sa kanya si Manang Rosa ng puno ng pag-alala.





"Iha, ano ba ang na ang nangyari ? Bakit biglaan na lamang pina ligpit ni Ralph ang mga 'to ?" Tumingin siya kay Sabelle at nakita itong tulala. "May nangyari ba ?"






Napayakap si Sabelle kay Manang Rosa. Sinubsob niya ang kanyang mukha sa bandang tiyan nito dahil naka upo siya at si Manag Rosa na man ay nakatayo.







"I'm sorry Manang, sorry po talaga..... hindi ko naman po sinasadya...... hindi ko naman po alam na mag hahanda siya ng ganito........nakalimutan ko din po na pinapa uwi ninyo ako ng maaga........kasalanan ko po manang kung bakit galit na galit siya.......... kasalanan ko manang......kasalanan ko-----" mas lalong lumakas ang pag iyak niya.




Hinagod ng matanda ang kanyang likuran.






"Tahanan na iha. Maayos ninyo din 'yan." hinawakan nito ang mukha at hinarap sa kanya.





"Kumain kana ba ?" Umiling siya dito.





"Kumain ka muna at mag pahinga. Malapit na ang graduation mo gusto mo ba na mag mukha kang zombie sa graduation mo ?" natawa naman siya sa pag bibiro ng matanda.







"Manang kayo talaga" natawa siya dito.







"Oh siya kumain ka na muna ha 'wag kang mag pabaya, hindi iyan maganda."





Please be Nice to Me Mr. Hot ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon