Chapter 25

5.7K 85 0
                                    

Chapter 25

Sabelle's POV

"Ate "

Si Mabelle Patrice Park.

Hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ngayon ang kapatid. Tinitigan niya ito. Maganda pa din ito. Mukhang lalo itong gumanda sa kanyang suot na gown.

Nangunot ang kanyang noo. Bakit mukhang magkahawig ang kanilang suot ? Pareho ang kulay at design. Ang pinagkaiba lang ay mas daring ang yari ng suot ng nakakatandang kapatid.

Lumapit ito sa gawi nilang mag-asawa. Humalik ito sa kanyang pisngi. Sinunod naman nito ang kanyang asawa na biglang nanahimik.

Hindi niya inaasahan ang ginawa ng kanyang ate. Hinalikan nito sa labi ang kanyang asawa. Hindi lang basta halik ito dahil gumagalaw ang ulo ng kapatid sa kanyang asawa.

Napaawang ang bibig siya sa nakita. Tinignan niya ang asawa. Hindi ito tumutugon sa halik pero kahit na ! Bakit hindi din ito tumutol ? For pete sake ! Marami na sa kanilang nakatingin.

"Happy birthday hon ! I missed you.." bati ng kanyang ate sa kanyang asawa na walang ekspresyon ang nababakas sa mukha.

H-hon ?

"Oh wait !... I forgot... here's my gift honey..." Maarteng sabi nito at inabot ang regalo sa kanyang asawa.

Inaantay niya ang reaksyon ni Ralph ngunit wala siyang napala. Kung makakilos ang kanyang ate ay parang wala siya sa tabihan ng mga ito.

Nag seselos siya sa kanyang ate. Kahit na siya ang asawa pero ang nararamdaman niya ay mas mag kakilala ang dalawang nasa harapan niya.

Mukha namang nainis ang kanyang ate dahil hindi manlang kinuha ni Ralph ang regalo nito.

Dahil siguro sa inis ay ang ate na mismo ang nagbukas ng regalo. Hinatak nito ang kaliwang kamay ng kanyang asawa at ito na rin mismo ang nagsuot sa braso ni Ralph.

Isang wrist watch...

Nanlaki ang kanyang mata sa nakita.. bakit ?.... bakit pareho sila ng regalo ?

Bigla niyang tinago sa kanyang likod ang hawak na hawak na regalo para sa asawa.

Paano na niya ngayon maibibigay ngayon ito ?

Napaangat siya ng tingin ng mag salita ang kanyang ate.

"Oh Sab.. you're here pala.. I just missed your husband hindi na kita napansin." pinag diinan nito ang salitang 'husband'. Ngumiti na lang siya na para bang wala siyang nakita.

"You like it Ralph ?.. ako mismo ang pumili nyan.. It's my OWN choice." sabay tingin sa kanya at pulupot ng kamay nito sa kanyang asawa.

Please be Nice to Me Mr. Hot ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon