Chapter 35

4.9K 96 13
                                    

A/N: Hello po.. Sorry po sa super duper slow update...

Here's my update po.. hope you'll like it !!!

Enjoy Reading !!!

**************************************************************

Chapter 35

Sabelle's POV

"Gusto ko ng umuwi." Sabi niya sa kalagitnaan ng pagkain sa hapag kainan.

Wala naman siyang balak makisalo sa mga ito. Ang inaalala niya lang ay ang kanyang anak. Naubos na din niya ang dala ni James kaya wala siyang mapagpipilian kundi bumaba at sumalo sa pagkain.

"Pero tatlong araw pa lang tayo dito. Hindi pa tayo nakakapagsaya masyado." Dahilan sa kanya ng kanyang ate.

Umismid siya. Hindi naman talaga siya mag sasaya ! Mukhang ang ate niya lang ang mag sasaya.

"Oo nga Love, gusto ko din na maenjoy mo ang bakasyon bago ka manganak." Aba ! At sumangayon pa ang asawa sa sinabi ng kanyang ate ! Pwes ! Magsama sila !

"Kung ayaw ninyo pa ayos lang naman sakin.. James maari mo ba akong ihatid bukas ?...." Nag aalangan itong sumagot pagkuwan ay pumayag na din. "Mauna na ako." 'Yon lang at tinapos na niya ang pagkain. Umakyat na siya sa kwarto at agad ni-lock. Bahala na ang asawa niya kung saan matutulog.

Kinabukasan may naramdaman siyang kung anong mainit na dumampi sa kanyang mukha. At sa pag mulat niya ay mukha ng asawa ang natunghayan. Malapad ang ngiti nito sa kanya.

"Good morning mommy love.." Akmang hahalikan siya nito sa labi kaya agad siyang nag iwas at napaupo.

"Morning." Tumayo na siya mula sa higaan. Nanlaki ang mga mata niya dahil naka ayos na ang kanyang mga gamit pati na din sa asawa.

"Inayos ko na ang mga gamit natin habang natutulog ka." Lumapit ito sa kanya at akmang yayakap. Umiwas siya.

Napatiim baga ito sa ginawa niya. Nakaramdam siya ng konting takot pero hindi siya papaepekto. Kalma lang.

"S-salamat." Agad siyang tumayo at pumasok na sa banyo. Natakot siya sa ginawi ng asawa. Alam niyang nag pipigil lang itong magalit sa malamig na pakikitungo niya.

***

Pagkatapos kumain ng umagahan ay bumiyahe na sila. Isang sasakyan lang ang kanilang gamit. Si Ralph ang nag mamaneho katabi na katabi ng kanyang ate. Ayaw niyang makatabi ang asawa. Noong una ayaw pang pumayag na hindi siya sa passenger seat umupo kaya nag dahilan na lang siya na komportable siya sa likuran at gustong mag unat-unat.

Kanina pa naka kunot ang noo ng asawa at lalo pang nangunot ng isinandal niya ang ulo sa balikat ni James. Nakita niya ang matalim na titig nito sa side mirror.

Please be Nice to Me Mr. Hot ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon