Chapter 13

7.7K 103 2
                                    

Chapter 13

"Oh hija, bakit naman ganyan ang mukha mo ?" Pansin sa kanya ni Mang Rosa at pinag handaan siya ng almusal. "May nangyari ba ?"

Napatingin siya sa matanda. Ramdam niya na nag init ang kanyang mukha kaya napatakip siya dito gamit ang dalawang kamay.

***Flashback***

"R-ralph?" Humiwalay siya ng konti at tumingin sa mukha ng asawa.

"Hmnnn ?"

Bumuntong hininga muna siya at nilakasan ang loob na tanungin ito.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"C-can w-e give it a a t-ry ?"

Nasabi na niya. Bahala na kung ano ang maging resulta nito. Hindi niya maintindihan pero gusto niya talaga makapag ayos sa asawa kahit bilang mag kaibigan lang.

Walang reaction ang asawa pagkatapos niyang maglakas ng loob na sabihin iyon. Nakatitig lang ito at walang emosyon na mababasa dito. Gusto niyang alugin ito upang mag salita at malaman kung ano ba ang tumatakbo sa isip nito.

Namalayan niyang natapos na ang kanta ngunit ni isang salita ay walang lumalabas sa bibig ng asawa. Nanlumo siya dahil 'tila nasayang lang ang kanyang lakas na loob. At pakiramdam niya ay napahiya siya.

Dahan dahan niyang tinanggal ang mga kamay na nakayakap sa leeg ng asawa. Naramdaman din niya na naalis na rin ang kamay nito sa mula sa kanyang bewang.

"K-kung ayaw m-mo....O-okay lang sak-in."

Pinipigilan niya na ang nagbabadyang pag patak ng luha. Gustong gusto niya na makipag ayos sa asawa. Hindi man niya aminin sa kabila ng nangyayari sa kanilang pag sasama ay may malaking puwang na ito sa kanyang puso.

Sa mga oras na 'yon ay gustong gusto niyang maglaho ng parang bula dahil hindi maalis sakanila ang mga mata kumakain din sa lugar na 'yon. Tila ba nanood ito ng live na drama.

Tumalikod na siya rito at napagpasyahang bumalik sa kanilang table. Ngunit hindi na niya nagawa dahil may naramdaman siyang kamay na humawak sa kanyang mga braso at kinabig ito paharap sa taong may hawak sakanya.

Lumaki ang kanyang mata dahil sa gulat ng halikan siya ng asawa sa may labi sa harap ng ibang costumer. Napapikit siya dahil sa dulot ng halik na 'yon.

Napamulat siya ng maramdaman ang pag alis ng labi nito mula sa kanya. Tumitig siya rito upang malaman kung ano ang ibig sabihin ng halik na 'yon.

Sa unang pagkakataon nakita niyang ngumiti ng malapad ang kanyang asawa. Ang ngiting iyon ay nagbibihay pahintulot sa nais niyang mangyari.

Dahil sa labis na katuwan ay nayakap niya ng mahigpit ang asawa.

"Thank you Ralph." naramdaman din niya ang pagbalik ng yakap nito sakanya. Sobrang saya ang nararamdaman niya. Pinapangako niya na hindi siya gagawa ng ikakagalit nito.

Napahiwalay siya dito ng marinig ang palakpakan sa loob ng restaurant na akala mo ay natapos na ang pinapanood na drama.

***End of Flashback***

"Kaya naman pala ang aga aga eh pangiti ngiti ka diyan."hinawakan nito ang kanyang kamay. "Masaya ako para sa inyo....basta hija konting pangunawa lang kay Ralph at ikaw na ang umintindi sa batang 'yon.....alam muna laging mainit ang ulo. Daig pa ang minemenopouse." dagdag na biro nito.

Please be Nice to Me Mr. Hot ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon