Chapter 11

7.9K 115 3
                                    

Chapter 11






Kinabukasan, maayos na ang pakiramdam ni Sabelle. Maaga siyang nag hahanda sa pag pasok sa school. Last day na ngayon ng kanilang practice para sa graduation.








Habang pababa siya sa hagdanan ay hindi niya maiwasan mapangiti. Maganda kasi ang panaginip niya. Napanaginipan niya na buhat buhat daw siya ng asawa at hinalikan pa siya sa may ulo.








"Oh iha, mukhang maganda ang gising mo ah at pangiti ngiti ka 'dan." Puna ni Manang Rosa habang pababa siya sa hagdanan.







"Opo Manang, maganda po kasi 'yon panaginip ko." namula siya ng maalala nanaman niya ang napanaginipan.







"Mukha nga at namumula ka pa iha."
Napahawak siya sa mukha.







"Mukhang inlove ka iha, si Ralph ba 'yan ?" napatingin siya kay Manag Rosa. "Sabagay mag asawa naman ko kaya walang problem----"








"Manang !" pinutol niya ang sasabihin nito. Nahihiya siya. Pakiramdam niya ay sasabog na siya sa pula.










"Nahiya pa. O sige na nga hindi nakita aasarin......... Teka ayos na ba ang pakiramdam mo ?" laking pasasalamat niya at iniba nito ang usapan.










"Opo manang, ayos na po ako." Ngumiti siya rito at umupo sa upuan.








"Kumain ka muna bago pumasok." tumango siya dito. "Maiwan na muna kita at may aasikasuhin lang ako."











"Sige na po Manang, ako na po ang bahala dito."







Iniwan na siya ni Manang Rosa at nag simulang kumain. Hindi niya maiwasan isipin ang sinabi ni Manang sakanya.







'Ako ? inlove ? kay Ralph ?' tanong niya sa kanyang sarili. Napailing ang kanyang ulo sa naisip.







Tinapay lang ang kanyang kinain dahil hindi niya gusto ang amoy ng pagkain na hinanda ni manang. Pagkatapos kumain ay pumasok na rin siya dahil ayaw niyang maipit sa traffic.







***

Maagang natapos ang kanilang practice naandito sila ngayon sa may canteen upang mag pahinga ng saglit.





"Hoy Jenelle !" Sigaw ni Mico kay Jenelle.






"Ano ?" balik na sigaw nito.






"Pwede ba 'wag kayong mag sigawan ! Mag kalapit lang kayo ohhhhhh." singit naman ni Rhianne. Naririndi siya sa sigawan ng dalawa dahil siya ang nasa gitna ng mga 'to.







"Yang baliw na 'yan ang pagalitan mo.........Hoy !Ano ba kasi 'yon ha ?" tanong naman ni Jenelle.







"Akoangmagigingdatemosaparty!" Dirediretsong sabi ni Mico kay Jenelle sabay walk out.









Namula naman si Jenelle sa sinabi ni Mico. Kahit na mabilis ang pagkakasabi ay naintindihan pa rin niya.








"Ayieeeeeee~~~~~ayown na man pala eh." asar ni Rhianne kay Jenelle.








"ASA naman 'yang baliw na 'yan !!!!"






Napatawa si Sabelle sa sagot at itsura ni Jenelle. Halata kasi itong kinililig.







Please be Nice to Me Mr. Hot ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon