Chapter 12

8.2K 110 1
                                    

Chapter 12


Kasalukuyang nasa harapan si Sabelle ng salamin upang mag ayos ng sarili. Nilugay niya ang kanyang buhok at nilagyan ito ng headband. Naglagay din siya ng light na make up. Ang damit naman niya ay kulay cream na dress na tinernuhan ng kulay cream din na doll shoes.


Tumayo siya at umikot sa harapan ng salamin upang makita ang kanyang kabuuang itsura. Gusto kasi niyang maging presentable sa harap ng magulang ng asawa. Napapitlag siya sa kinatatayuan nang may marinig na katok mula sa pintuan.


*knock* *knock*


"Bukas po 'yan." Bumukas ng bahagya ang pintuan at pumasok si Manang Rosa sa kanilang silid.


"Sabelle...hija. Tapos ka na ba mag-ayos ?"


"Opo Manang tapos na po ako kukunin ko lang po ang bag ko."


"O sige hija bababa na ako, bumaba ka na din at aalis na daw kayo ng asawa mo."


"Salamat po Manang susunod na po ako."


Patungo sila ngayon sa mansion ng mga Fernandez upang kuhanin ang dress na gagamitin niya sa darating na party sa kanilang school.


Si Veronica Fernandez ay gumawa ng kanyang susuotin. Isa siyang famous and well known fashion designer. Siya ang ina nila Ralph at James at ang kanyang mother-in-law. Nag pumilit kasi ito na siya daw gagawa dahil gusto niya na siya ang maging maganda sa darating na party. Pinangarap kasi nito na magkaroon ng babaeng anak.


Nakarating na sila sa mansion ng mga Fernandez. Magkahamak kamay silang pumasok sa loob ng mansion. Hindi siya kumportable pero hinayaan na lamang niya. May parte sa puso niya na masaya sa pagkakahawak at pag-aalalay sa kanya ng asawa.


"Sa wakas nakarating din kayo. Kanina pa namin kayo inaantay....What took you so long ?" Salubong sa kanila ni Donya Veronica.


"Traffic." maikling sagot ni Ralph sa kanyang ina.


"Magandang umaga po mommy." Nahihiyang bati niya sa Donya. Bumeso siya rito.


"Magandang umaga rin hija. I'm so excited na ipakita sayo ang aking master piece panigurado ikaw ang pinakamaganda sa gabing 'yon."


"But before that let's eat muna......yaya ! pakihanda ang pagkain. Paki tawag na rin si Sir Emannuel mo." Hinila siya nito mula sa asawa at giniya sa hapag kainan. Tumabi sa kanya ang asawa.

"Ahmn... mommy si James po ?" Hindi kasi niya nakita ang kaibigan. Alam kasi niya na dito tumutuloy iyon.


"Nasa condo niya hija...hindi ko maintindihan ang batang 'yon nang nalaman na pupunta kayo dito ay bigla na lamang umalis at ang sabi ay sa condo muna siya." Sagot nito sa kanya. Napansin naman ng donya na pababa ang asawa nito. "Hon come here let's eat."


"Good morning po daddy." siya na ang bumati sa kanyang father-in-law dahil mukha naman na walang balak bumati si Ralph sa ama.


***


Manghang mangha si Sabelle sa pagkain na nakahain sa kanila. Akala mo ay isang barangay ang kakain sa sobrang dami ng inihanda. Lahat ng paborito niya ay naandoon.


Si Ralph at and daddy nito na ay abalang nag uusap tungkol sa business.


"Hija ito oh tikman mo ako ang nagluto nan alam kong favorite mo 'yan." sinandukan siya ng donya ng carbonara.


"Salamat po." Hindi niya maintindihan kung bakit iba ang amoy ng carbonara. Ayaw naman niyang mapahiya ang donya kaya hindi na lamang niya pinasin at nagsimulang kumain.


Please be Nice to Me Mr. Hot ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon