Chapter 21

5.8K 83 3
                                    

A/N: haayyyyy.....need to sleep na 2nd day of BRIGADA ESKWELA bukas with summer classes pa. san ka pa ALL PURPOSE ang mga KAGURUAN ;) :)

ENJOY READING !!!

*************************************************************************

Chapter 21

Sabelle's POV

"Manang kamusta na po kaya si James ?" Nasa labas sila ngayon ng guest room ng bahay nila. After ng makita niya si James sa sarili nitong condo na sobrang lasing ay napag desisyunan niyang dalhin muna ito sa bahay nilang mag asawa.

"Maayos na siya ngayon hija dahil sa sobrang kalasingan ay nakatulog na siya."

"Mabuti naman po Manang.."

"O siya maiwan muna kita at magluluto muna ako ng pagkain natin.. darating na ang asawa mo."

"Sige po Manang.."

Pagkababa ni Manang Rosa ay pumasok siya sa guest room kung saan nagpapahinga ang kaibigan. Nilapitan niya ito at umupo sa tagiliran ng kama. Tinitigan niya ito. Pumayat ito at halos lumubog na ang pisngi nito. Nagkaroon din ng konting tubo ng buhok sa may baba nito. Hinaplos niya ang buhok nito. Nahihirapan siyang makita na nasa ganitong kalagayan ang kaibigan. Mas higit siyang nasasaktan.

"James.. bakit mo ba ginagawa ito sa sarili mo ?.. alam mo ba na ako ang nahihirapan pag nikikita kitang nagkakaganyan ?... gusto kong bumalik tayo sa dati.. mahal naman kita James eh pero bilang magkaibigan na nga lang... siguro kung dati mo sa akin sinabi na mahal mo ako..baka ikaw pa ang pinili ko at siguro hindi ako pumayag sa kasal... ipapaglalaban kita.. pero hindi eh.. huli na.. " mahabang litanya niya dito na akala mo naririnig siya. Pinunasan niya ang kanyang luha na kanina pa walang tigil simula ng makita niya ang kaibigan.

"Sana sa pag gising mo.. maging maayos na ang lahat." hinalikan niya ito sa ulo at tuluyan ng lumabas sa silid.

***

James' POV

"James.. bakit mo ba ginagawa ito sa sarili mo ?.. alam mo ba na ako ang nahihirapan pag nikikita kitang nagkakaganyan ?... gusto kong bumalik tayo sa dati.. mahal naman kita James eh pero bilang magkaibigan na nga lang... siguro kung dati mo sa akin sinabi na mahal mo ako..baka ikaw pa ang pinili ko at siguro hindi ako pumayag sa kasal... ipapaglalaban kita.. pero hindi eh.. huli na.. "

Kanina pa siya gising. Babangon na siya dapat ng maramdaman niya ang pagpasok at pagtabi ni Sabelle sa kanya. Naramdaman niyang hinaplos nito ang kanyang ulo. Rinig na rinig niya lahat. Nagsisisi siya na hindi siya pinag laban ang nararamdaman niya. Mahal na mahal niya ito. Gusto niyang ibalik ang nakaraan pero malabo ng mangyari iyon.

"Sana sa pag gising mo.. maging maayos na ang lahat."

Please be Nice to Me Mr. Hot ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon