"Psst! Miss gumising ka na!Bumaba ka na diyan!" napadilat naman ang mata ko ng marinig ko yung boses na yun.
Napakapit naman ako sa ulo ko dahil ramdam na ramdam ko ang sakit.
"Miss!" kinatok niya yung salamin sa sasakyan ko at doon ako napalingon sa kanya.
"Ano bang kailangan mo?" tanong ko sa kanya.
"Ang sabi ko,bumaba ka na diyan dahil nakaharang ka sa daan." sabi niya kaya naman binaba ko yung salamin at kinausap siya.At doon lang nagising ang diwa ko ng makita kong traffic nga. Binuksan ko yung kotse ko at bumaba.
"Anong nangyari?" tanong ko doon sa lalaking naka-suit."Tignan mo." at tinuro niya yung kalsada kaya naman napalingon ako doon at...
Sobra akong nagulat sa nakita ko..kasi... I saw my body inside my car.
Duguan,walang malay.. at pati yung front mirror,basag..
"A-anong nangyari?" tanong ko sa kanya.
"Nagkaaksidente.. kaya yan.. Nabunggo ka doon sa isang rumaragasang dumb truck.
At doon ko lang napansin ang truck.Agad akong napalingon sa kanya.
"Am I dreaming?" tanong ko sa kanya.
At tinignan niya ako na parang ewan at ... kinurot niya yung pisngi ko kaya naman tinapik ko ito.
"What are you doing!?" inis kong tanong sa kanya.
"Naramdaman mo naman yung malamig kong kamay diba?" tanong niya kaya nanlaki ang mata ko.
"A-am.. Am I dead?" at nang tinanong ko yun ay bigla siyang tumawa ng malakas.
"HAHAHAHAHHAHA! Nakakatawa yung mukha mo! HAHAHAHAHHA! "
Hinampas ko siya sa braso. Nakakabwesit eh.
"Tinatawanan mo pa ako! Nagtatanong ako ng maayos dito eh!"
Pinigilan niya yung tawa niya at bumuntong-hininga. "No,you're not dead." seryoso niyang sagot.
Napataas naman yung kilay ko. "What do you mean?"
"You...you're a missing soul.."
To be continued...

YOU ARE READING
Missing Soul
FantasyTwo Missing Souls.. Are they destined for each other? (COMPLETED)