Yam
"Tita!" dinig kong sabi ni Erick nung nakapasok na siya dito sa loob.
"Uy Erick." sagot naman ni Mom.
"How is she?" tanong ni Erick at umupo siya sa gilid kung saan may upuan.
"She's not fine. She's in a comatose." sagot naman ni Dad.
"W-what?" gulat na tanong ni Erick at nanlaki ang mata niya.
"Ang OA naman." sabi naman ni Waulter at napalingon ako sa kanya.
"Anong OA? Sino?" tanong ko sa kanya.
"Yung Boyfriend mo."sagot niya habang tinitignan si Erick.
"How did you---" hindi ko na natuloy ang tanong ko kasi nagsalita siya agad.
"Let's just say,nakakabasa ako ng isip." sabi niya tapos nilingon ako and he gave me a smile. Pero kunting ngiti lang.
Hindi ko talaga maintindihan kung cold siya o baliw o sadyang bipolar lang talaga siya.
Agad namang nag-sink in sa utak ko yung sinabi niya. Nababasa niya ang isip ko? Paano niya yun nagagawa? Ano ba talaga siya?
~*~
"Bakit ba kasi tayo bumalik dito?" irita kong tanong kay Waulter.
Hindi siya umimik. Nakakainis na talaga ang lalaking 'to ha!
"So anong balak mo?" tanong niya sa akin?
"Huh?"
"I mean,saan ka maghahanap ng taong makakaramdam ng apat na patunay nang tunay na pagmamahal?" tanong niya sa akin.
"Saan pa ba? Edi doon sa ospital. Kaya nga ako nagtatanong sayo kung bakit tayo bumalik dito eh.Pwede namang doon lang tayo para makapagsimula na tayo." irita kong sagot sa kanya.
Bahagya naman siyang tumawa. "Eh hindi mo naman sinabi kaagad eh."
"Ewan ko sayo." sabi ko sabay cross arms.
Nandito kasi kami ngayon sa Park. Nagulat ako kanina nang bigla niya akong niyakap tapos the next thing I knew,nandito na kami sa park.
Nakakainis! May plano na akong magstart sa mission tapos, aish! Nakakainis talaga.
"Eh bakit mo nga kasi ako dinala dito?" inis na tanong ko sa kanya.
"Wala lang. Gusto ko lang pumunta dito." sagot niya at ngumiti pa ang loko.
Nilingon ko siya at tinignan ng masama.
"Eh kesa naman pabayaan kita doon diba? Dapat nga magpasalamat ka kasi sinama kita dahil kung hindi,baka nakita ka na ng isa doon."
"Nakita? Sino namang makakakita sa akin?"
"Hindi mo ba alam?" tanong niya sa akin.
"Ano bang dapat kong malaman?"
"Your mom has a third eye."
Si Mom? May Third Eye? Ha?
"A-ano?" tanong ko.
"Bingi ka ba o sadyang bingi ka talaga?" he said sarcastically.
"Loko! Nagtatanong ako ng seryoso eh! Pero,totoo talaga? May t-third eye si mom?"

YOU ARE READING
Missing Soul
FantasyTwo Missing Souls.. Are they destined for each other? (COMPLETED)