Fourth Chapter

62 3 0
                                        


Yam


"Ilang years na pala kayo nung boyfriend mo?" tanong ni Waulter sa akin habang nakatingin sa mga bituin sa langit.

"Kami? Ahhmm,hindi pa naman umaabot ng year. It's like...6 months? I think so." sagot ko sa kanya.

"Akala ko pa naman ang tagal niyo na." sabi niya. 

At sa sinabi niyang yun ay napalingon ako sa kanya.

"Oh eh,ano naman ngayon kung 6 months palang kami?" tanong ko sa kanya.

"Wala lang. It's just like,parang ang tagal mo nang may karelasyon." sabi niya at parang matatawa siya sa sinabi niya pero pinigilan niya ang pagtawa niya. Nagtakip pa ng bibig ang loko.

"Grabe ka! Kaka-18 ko palang eh."

"Ok." sabi niya sabay pigil ng tawa.

"Well,except sa hindi ako pinapayagan ng parents ko na magkaboyfriend dati. Busy din naman ako sa studies ko kaya wala pa akong time nun. Until I met Erick." at napatingin ako sa mga bituin. "He's so charming,sweet,caring,loving...and he will do everything para lang mapasaya ako. Kaya ko siya minahal." I said while smiling.

"Keso neto!" sabi niya sabay tulak sakin ng mahina.

"Bakit ba? Ganyan naman talaga ang mga tao pag nagmamahal ahh. Nagiging cheesy." at ramdam ko ang pag-init ng aking mukha at pakiramdam ko namumula na ang mukha ko.

"Oo na,oo na." tanging sagot niya.  "Tara,pasok na tayo?" sabi niya at tumango lang ako.

Nandito kasi kami ngayon sa labas sa ospital kasi ang ganda ng mga bituin. Nakakarelax panuorin. Ang sarap tuloy mag star gazing.

Habang lumalakad kami papunta sa room ko ay nakaramdam ako ng lungkot. 

Ano kayang nangyayari ngayon sa akin kung di ako nagdrive sa high way. Edi sana,ok lang ako at nag-pa-party pa ngayon. 

Ang kulit ko talaga,oo.

Nang makarating kami ay agad kong nakita si Erick sa labas ng ospital na nakaupo at busying-busy sa cellphone niya. 

Agad akong lumapit sa kanya, umupo ako sa tabi niya.

"K-kamusta ka na?" sabi ko at alam kong para akong timang kasi alam ko namang hindi niya ako naririnig.

Busy padin siya sa cellphone niya. Ano kayang ginagawa ng isang yan?

Dahil sobrang curious na talaga ako ay sumilip ako sa phone niya at nakita kong.....

May ka-text siya.


'Maghintay ka lang diyan,nasa ospital pa ako. Alam mo naman diba babe?Na-ospital ang bestfriend ko.'


Tama ba yung nakita ko?


May tinatawag siyang babe?


At , ako? BESTFRIEND?


What the hell is this? So,niloloko niya ako? 

Missing SoulWhere stories live. Discover now