Waulter
I open my eyes slowly. Unti-unti kong nakikita ang kalangitan at pati na din ang mga ibon na nagliliparan dito. At doon ko lang napagtanto na nakahiga pala ako.
Dahan-dahan akong umupo sa sahig. Biglang sumakit yung ulo ko and I winced because of that then I touch my head.
"Aray.." mahina kong sabi. Biglang nanlabo ang aking paningin kaya pumikit muna ako sabay ang pagkusot-kusot dito.
Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at nagulat naman ako sa sunod kong nakita.
"P-parang kanina lang.."
"Parang kanina lang ang liwanag diba?" naputol ang aking sasabihin dahil sa may biglang nagsalita. Napalingon ako sa likod at may bigla akong nakitang isang lalaki na naka-suit and slocks. Siguro sa kanya galing yung boses.
"Yes, you're right. Sa akin nga galing ang boses na yun."
W-wait.. W-what?
"T-teka teka.. Are you reading my inner voice?" nalilito kong tanong sa kanya.
"Uhhh yep!" tugon niya sabay taas-baba pa ng kilay. Loko 'to ah!
"T-teka nga..Sino ka ba, ha? At bat ako nandito sa madilim na lugar na 'to?" I asked confusedly.
"Okay..Isa-isa kong i-e-explain. Wag ka sasabat okay? Ako muna magsasalita."
Nakakunot pa din ang aking noo na tumango at nag-thumbs up naman siya.
"Okay, good! Mabuti kung malinaw." nilagay niya ang kanyang mga kamay sa loob ng kaniyang bulsa. "Unang-una..maniniwala ka na ba?"
"Oh c'mon!"
"Heeep! Ang sabi ko diba wag ka sasabat!? Naku parang di ka yata sumusunod sa usapan eh."
Kinunotan ko siya ng noo at nilingon niya naman ako. "A-ahh, s-sabi ko nga diba sisimulan ko na."
He cleared his throat at nakapamulsa pa ang gago.
"Okay, unang-una.. I'm gonna ask if gusto mo bang malaman ang life mo o hindi?"
"Huh? Anong pinagsasasabi mo?" inis kong tanong.
Gago ba 'to?
"Yes or no lang!" he said, cutting me off.
"T-teka nga, anong kagaguhan 'to? Anong life life ang pinagsasasabi mo?."
"Nakakaintindi ka ba ng yes or no, sir?" tanong niya kaya mas lalo akong nainis.
"Just tell me the fucking reason why am I here?" galit kong sabi.
"Sige na nga! Sasabihin ko na."
N
apahinga naman ako ng malalim dahil sa sobrang frustration.
"You're a missing soul." mahinahon niyang sabi.
Napakunot ulit ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ano bang pinagsasasabi nito?
"H-huh?"
"Ok ganito kasi yun. Nagmamadali kang pumunta sa isang wedding event tapos sa sobrang pagmamadali mo, binilisan mong mag-motor tapos sa sobrang bilis, ayun nabunggo ka sa isang rumaragasang truck at kaya ayun..wala na finish na."
YOU ARE READING
Missing Soul
FantasíaTwo Missing Souls.. Are they destined for each other? (COMPLETED)