Fourteenth Chapter

51 3 0
                                    


Yam

"Waulteeer!" sigaw ko habang nakatayo sa bench.

Ba't ang tagal niya? Kanina pa siya hindi nakakabalik. Ang tagal niya namang bumalik. Nasaan ba siya?

Kailangan ko na talagang makapunta sa Ospital.

Baka kasi si Dad ang pakakapag-ilaw ng Red Gem.

I know that my father loves me so much. And I know na mapapailaw niya ito.

Pero paano ako makakapunta sa ospital kung wala siya? Nakakapagod din namang maglakad.

"Waulteeer!" Ugh! I'm so frustrated!

Kainis naman eh. Bumalik ka na, oh!

"Wauuullltteeeeer!"

Nasan ka na ba kasi!?

Bumalik ka na please!!!

Ayokong mag-isa. Gusto ko na siyang bumalik.

"Waulter naman oh! Please! Bumalik ka na!"

Napaupo ako sa bench at pinatong ang ulo ko sa tuhod ko.

Naiiyak na ako. Mahigit dalawang oras na akong nandito.

Hindi ko alam kung kailan siya babalik. At ang mas nakakapagtaka, bakit ako umiiyak?

Bwiset. Tumutulo na pala ang mga luha ko.

"Waulter naman eh.." mangiyak-ngiyak kong sabi. "..bwiset ka. Saang lupalop ka ba pumuntang hinayupak ka! Bwiset ka!"

Inangat ko ang ulo ko. Pero wala pa rin akong nakikitang Waulter sa paligid.

' I'll be back. '

Nagreplay sa utak ko ang sinabi niya.

Sabi niya diba babalik siya? Pero bwiset na yan! Kailan siya babalik? Kailan? Paano kung matagalan siya?

Paano kung hindi na siya bumalik? Paano kung iwan na niya ako?

Paano kung hindi ko na siya makita? Saan na ako pupunta? Sino na ang tutulong sa akin?

Paano kung hindi ko na maramdaman ang malamig niyang yakap?

I wiped my tears.

Paano niya ba nagagawang magteleport?

Kaya ko ba? Makakapagteleport kaya ako?

Sana naman magwork.

I slowly close my eyes and whisper to my mind.

'I wanna go to the Hospital.'

Hindi ko pa muna minulat ang mata ko.

Natatakot ako. Ewan ko ba, ang weird kasi natatakot ako.

Baka kasi hindi tumalab.

Nang maramdaman ko na lumamig ang paligid ay dahan-dahan kong minulat ang mata ko.

At nang minulat ko ito ay nanlaki ang mga mata ko.

Wow.

Paano ko yun nagawa?

Is this real? Totoo to? Nasa ospital ako? Talaga? Tumalab talaga?

Dahan dahan akong naglakad habang iniikot ang tingin sa ospital.

I still can't believe this. Naka-teleport ako?

As in talaga? Wow ha!? Hindi pa din ako makapaniwala.

Paglingon ko sa right side at nakita ko si Tito Xander na naglalakad sa hallway.

Mukhang galing siya sa Private Ward kung saan ako nakaconfine.

Missing SoulWhere stories live. Discover now