First Chapter

100 3 0
                                    


Yam



"Anak,ready ka na ba?" tanong ni mommy sa akin habang mini-make-up-an pa ako.

"Ofcourse mom. Matagal ko na po itong hinihintay." sagot ko naman sa kanya.

Napabuntong hininga si mom and umupo siya doon sa may upuan sa gilid.

"Sayang nga at hindi naabutan ng lola mo ito." sabi niya.

"Oo nga eh. Nakakalungkot isipin." malungkot kong sabi.

"Alam mo ba 'nak,nung debut ko. Medyo malungkot pero masaya."sabi niya at tumayo siya dahil tapos na akong make-up-an at siya yung nag-ayos ng buhok ko.

"Bakit naman po medyo malungkot?" tanong ko sa kanya na puno ng pagtataka.

"Kasi,nung araw na yun ay yung inatake yung lola ko sa puso at hindi nagtagal yung party dahil hinatid namin siya sa hospital." sabi niya at rinig na rinig ko na malungkot talaga siya.

"Pero diba po sabi mo nakasayaw mo yung lalaking gusto mong makasayaw nung sa 18th dance mo po?" tanong ko sa kanya.

"Yun na nga eh. Ang saya ko din 'nun dahil siya yung nakasayaw ko yun." kita ko sa salamin na nakangiti si mom.

"Ayieee! Si dad yun,ma nuh?" kinikilig kong tanong.

"Nope."sagot niya.

"Eh kung hindi si dad,sino?" tanong ko sa kanya.

"Si Tito Xander mo." sagot niya.

"Si Tito Xander?" tanong ko.

"Yep.. Pero hindi naman mahalaga para sa akin ang 18th dance.Ang importante para sa akin ay yung huli kong nakasayaw." nakangiti niyang sagot.

"Ahh..for sure si dad na yan?" kinikilig kong tanong.

Tumango naman si Mom.Nakaramdam naman agad ako ng kilig nang makita kong namula si mom.

"Ahh,by the way. May gift ako sayo." sabi ni Mom nang matapos siya sa pag-aayos ng buhok ko.

Agad naman akong napalingon sa kanya na punong-puno ng excitement.

"Talaga mom?" tanong ko at tumango naman siya.

"Sandali lang ha,kukunin ko muna." at naglakad siya papunta doon sa isang table at binuksan niya yung drawer.Nang makuha niya ito ay tinago niya ito sa likod niya at naglakad papalapit sa akin.

"I can't wait to see your gift for me." I said with full of excitement.

"Happy Birthday." bati niya sabay bigay sa akin ng isang maliit na kahon.Agad ko naman itong tinanggap.

"Ano po 'to mom?" tanong ko sa kanya.

"Buksan mo na." sabi niya at binuksan ko ito.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

"A key?" tuwang-tuwang tanong ko.Tumango naman siya.

"What are you waiting for? Tara na sa parking lot." hinila ko agad si mom palabas ng make-up room at tumakbo kami papuntang parking lot pero hindi man lang ako nakaramdam ng hingal. Instead,excitement ang pumapangibabaw.

"The blue one" sabi ni mom sabay turo doon sa isang sasakyan na kulay blue.

Napalingon ako kay mom and I hugged her so tight. "Thank you,mom.Thank you very much!" sabi ko na sobrang tuwang-tuwa.Kumalas agad ako sa yakap at tinignan si mom.

Missing SoulWhere stories live. Discover now