Sam
Ilang taon na ang nakakalipas, pero malinaw na malinaw pa din sa akin ang nakaraan.
Kung paano ako naging Missing Soul. Kung paano ako naghanap ng mga totoong tao na nagmamahal sa akin. At kung paano ako nakabalik sa aking katawan.
Si Xander.. ang nagpailaw ng Blue Gem..
Si Min, ang nagpailaw ng Green Gem..
Si Yul.. siya ang nagpailaw ng Yellow at Red..
Hindi ko nga alam kung paano yun nangyari.. kung paano niya napailaw ang dalawang Gem.
But one thing is for sure.. Her love for me is so powerful to the point na kaya na ding magbigay ng real happiness.
And I guess, that's the answer.
"Kuya Matt?"
Napalingon naman ako sa nagsalita at nakita ko si Xander.
"Uy Xander." umupo siya sa tabi ko. "Ba't di ka pa umuuwi?" tanong ko sa kanya.
"Eh kasi ayoko pa. Tsaka ang boring kasi wala akong kasama."
Natawa naman ako sa sinabi niya at ginulo ko yung buhok niya.
"Kumain ka na?" tanong ko.
"Yep. Kakatapos lang. Eh ikaw ba?"
"Hindi pa eh."
"Kumain ka na kuya. Ako na muna bahalang magbantay kay Yam."
Nginitian ko lang siya. "I'm fine. I'm not hungry and besides, Yul's buying some food right now so don't worry about me."
Tumango naman siya. " Ok then, may pupuntahan lang ako kuya."
"Sige. Ingat!" tumayo naman siya at naglakad na papalayo sabay wave.
I heaved a sigh.
Sana ok lang si Yam. Sana hindi siya masyadong nahihirapan. Sana may tumutulong sa kanya.
At sana..
Sana makabalik na siya sa katawan niya.
~*~
Yam
Ano ba naman yan! Kanina pa kami dito sa isang lugar na hindi ko alam.
"Ano ba kasing ginagawa natin dito?" tanong ko kay Waulter.
"Basta." tanging sagot niya tapos nag-b-busyhan ulit siya sa kanyang ginagawa.
May parang mino-mold kasi siya na hindi ko alam.
Ang weird niya naman. Ano ba kasing ginagawa namin dito?
Nandito kasi kami sa isang gubat. Nabigla ako kanina kasi bigla niya nalang akong niyakap tapos nag teleport. Ang sabi lang niya, may pupuntahan daw kami. Tapos dito niya ako dinala.

YOU ARE READING
Missing Soul
FantasyTwo Missing Souls.. Are they destined for each other? (COMPLETED)