Yam
Bigla akong nahilo nung mangyari yun. Feeling ko ang init ng katawan ko..
Well, wala naman akong katawan, for now.
"Siya ang pangalawa." napalingon naman ako kay Waulter na biglang nagsalita.
Nakita ko namang nakatingin siya sa harapan niya kaya sinundan ko kung saan siya nakatingin.
And then, I saw Erick. He is..... He's crying.
Natigilan ako sa nakita ko at parang na-freeze ako sa kinatatayuan ko.
"I'm really really sorry, Yam." he said as he cried. Magkadikit ang kanyang palad, at nangingig siya habang nakaupo.
Biglang nangilid ang luha sa mga mata ko. "S-siya... siya ba?" tanong ko at naramdaman ko ang kamay ni Waulter na hinawakan ang balikat ko.
"Yes. Siya ang dahilan kung bakit umilaw ang Green Gem." sabi ni Waulter at tuluyan nang tumulo ang luha sa mata ko.
S-siya.. nag-r-regret siya... So it means.. alam na nila?
Nilingon ko si Waulter . "P-pwede bamg pumasok muna tayo?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya.
Agad akong naglakad at pumasok sa room. Naabutan namin si Tito Xander at si Tito Min kasama sina Mom at Dad.
"Kung hindi ko yun naabutan, edi baka lokohin pa niya si Yam nang sobrang tagal." sabi ni Tito Xander.
"Grabe, hindi na talaga siya nagbago." sabi naman ni Tito Min at napa-iling siya.
"So, sila pala yung nakadiskobre." napalingon naman ako kay Waulter dahil bigla siyang nagsalita. "That's great." sabi niya at lumingon siya sa akin. "Two gems left."
~*~
"Hindi ka pa ba titigil sa kakaiyak diyan?" tanong ni Waulter sa akin. Tanging iling lang ang sagot ko.
YOU ARE READING
Missing Soul
FantasyTwo Missing Souls.. Are they destined for each other? (COMPLETED)