Twelfth Chapter

45 3 0
                                    

Sam

(19 Years Old)

Flashback

"Hello?" sigaw ko habang iniikot ang tingin ko sa paligid.

Nandito ako sa isang lugar na sobrang dilim, to the point na wala na akong makita.

"May tao ba dito!? Hello!?" Naiinis kong sigaw.

Bakit ba ako nandito? Anong ginagawa ko dito? At paano ako napadpad dito?

"Hello?!" Sa sobrang frustration ay sinipa ko yung nasa harap ko, kahit wala akong nakita ay may naramdaman akong matigas na nasipa ko.

"Shit!"

"Hello, Kid." nang marinig ko ang boses na yun ay biglang nag-iba, nagliwanag ang paligid.

Nilingon ko naman yung nagsalita kanina at.. Wala akong nakita.

"Nasan ako? Bakit ako nandito?" tanong ko sa kanya kahit hindi ko siya nakikita. Alam kong nasa paligid lang siya.

Lumingon lingon ako sa paligid para hanapin siya pero hindi ko siya nakita.

Halos mapatalon ako sa gulat nang may naramdaman akog nangalabit sa akin.

At nang lumingon ako sa likuran ko, I saw someone standing wearing Black Coat and he put his hands inside his pocket.

"Sino ka? At nasan ako!?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.

"Nasa park." He answered sarcastically.

"Bakit ako nandito?"

Huminga siya ng malalim at yumuko. "Hay.. hindi ko na 'to patatagalin pa." Pagkasabi niya nun ay inangat niya ang tingin niya sa akin at tinignan ako ng diretso sa mata. "You're a missing soul."

Naguluhan naman ako sa sinabi niya and at the same time, kinakabahan.

"M-missing soul? Ako?" Naguguluhan kong tanong.

Ano yun?

"Hmmm." he said while nodding.

"W-what do you mean?"

Napabuntong hininga siya. "Nag-separate lang naman ang spirit mo sa katawan mo."

Biglang tumibok ng pagka-bilis-bilis ang puso ko. I'm nervous.

So that means.... That means...

"S-so am....Am I dead?" I asked nervously.

"It's up to you to find out , kid" he smirked. "So pumili ka..." Inangat niya ang dalawa niyang kamay at may biglang lumabas sa kanyang kamay na image or more like hologram, ah basta yung parang liwanag na may imahe. "To find your true love. Or to help someone?" He asked.

Naguluhan naman ako kaya kumunot ang noo ko.

Sa left hand niya, may pendant na lumulutang sa palm niya. Habang sa right naman, may lalaking lumiliwanag, or more like gold na lalaki na pinapayungan ang babaeng nasa harap niya.

"C-can you please explain what's happening?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

I saw him sigh because of his frustrarion.

"Hay.. mga tao nga naman."

Letse 'tong isang 'to. Anong problema sa aming mga tao? Tss.

"If you will pick this one..." sabi niya sabay angat sa kamay niya na may Pendant. "Then kailangan mong hanapin ang apat na tao na magpapailaw ng apat na Gems na 'to."

Tinignan kong mabuti yung round pendant. May apat na maliliit na gems ang nakapalibot sa gilid nito. Red, yellow, blue and green.

Hugis puso ang red, round naman ang green, oval ang yellow at hugis waterdrop naman ang blue.

"Green means regret. Kung may taong may ginawa sayong masama o di kaya ay nagregret siya dahil sa ginawa niya sayo, iilaw ito." pagpapaliwanag niya.

Sino bang may gumawa sa akin ng masama? At ... Teka... Sino ako?

Wala akong maalala...

Ni-isa...wala

'Sam.'

Nang marinig ko yun sa isip ko ay naguluhan ako.

Ano yun!?

Sam? Anong ibig sabihin nun? Pangalan ba yun? Pangalan ko ba yun?

"Blue means sadness. Pag namimiss ka ng isang tao, iilaw ito. While Yellow means happiness. Pag naiisip ng isang tao ang mga masasayang alaala ninyong dalawa, oh di kaya'y masaya siya pag kasama ka, iilaw ito."

So saan ako makakahanap ng mga taong magpapailaw niyan?

Ni katiting na alaala, wala.

"And the Red means true love. For sure alam mo na kung ano ang ibig sabihin niyan."

Napakunot ang noo ko dahil doon

True love? Saan ako makakahanap nun?

"Kung makumpleto mo na ang apat, then makakabalik ka na sa katawan mo."

"Ehh kung yang isa yung pipiliin ko?" tanong ko sa kanya.

"Then you will help Two missing souls to complete this mission." sabi niya sabay angat doon sa pendant. "So.. Choose wisely." he said then he smirked.

So anong pipiliin ko?

Baka matagalan kung tutulong ako sa dalawang missing souls.

Tapos kung yung pendant, walang kasigurohan.

Ok.. I have to do this.

My decision is final.

"I'll choose that pendant." I said confidently.

"Ok.. Then.." inabot niya sa akin ang pendant. "Good luck, kid." He winked and then the moment he winked at me, he disappear.

Umikot ang paligid at nang matapos ang pag-ikot nito, inikot ko kaagad ang tingin ko.

Nasa park ako..

~*~

Yam

"Y-yam."


"A-ang pendant."

Pareho kaming nagulat dahil sa nangyari.

Umilaw na ang Yellow Gem.

P-pero bakit?

Sino ang nagpailaw nito?

Imposible naman sigurong siya...

Napalayo siya sa akin at kita pa din sa reaksyon niya na gulat na gulat siya.

"W-what hap---"

"But that's impossible." iiling-iling niyang sabi.

"How did it happened?"

Nalilito na ako. Pero bakit? Bakit niya 'yun napailaw?

Is that possible?

Pwede bang mapailaw ng isang Soul Seeker--- I mean, ghost or kung ano man siya, na mapailaw ang isang gem?

"Waulter? Anong i-ibig sabihin nito?" Naguguluhan kong tanong.

Pero imbes na sagutin niya ako ay ngumiti siya. "I did it. I-i did it Yam!"

And the last thing I knew, he hugged me.

To be continued...

Missing SoulWhere stories live. Discover now