Yam
"A-anong ginagawa natin dito sa park?" tanong ko dito sa lalaking 'to na nagdala sa akin.
Hindi niya ako sinagot at parang kung may ano siyang ginagawa. Napa-cross-arms nalang ako.
Ang daming tanong na bumabagabag sa isip ko. Paano kami nakapunta dito ng ganun ka bilis? Anong klaseng tao--- I mean,ano siya? Well,obviously hindi siya tao. And.. anong sinasabi niyang Missing Soul ako?
Argh! Ano bang nangyayari! T-teka?
Kinalabit ko yung lalaki na hindi man lang ako hinaharap ngayon. "Uy! Paano yung party? Pati yung katawan ko dun? Ano nang mangyayari sa akin?" sunud-sunod kong tanong sa kanya.
"Easy lang." sabi niya nung hinarap na niya ako.
"Paano ako e-easy eh wala na nga ako sa katawan ko ngayon! Nasira na nga yung pinaka-importanteng gabi sa buhay ko, hindi ko pa alam ang nangyayari sa akin! Ano na?" hindi ko na napigilan ang sarili ko eh. Gigil na gigil na talaga ako sa mga nangyayari.
"Teka lang.Let me explai--"
"Aba'y dapat lang!" I said,cutting him off. "Sige,isa-isahin mong sagutin lahat ng tanong ko."
"But before that,pakalmahin mo muna sarili mo." sabi niya kaya naman huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili at hindi na ako nagsalita.
"Ok ka na?" tanong niya at tumango nalang ako,kahit hindi naman talaga ako okay. "Sige first of all,I'm Waulter. And tutulungan kitang makabalik sa katawan mo."
"Papaano?"
Nakita kong may kinuha siya sa bulsa niya at nang makuha na niya ito ay inangat niya ito. And I was amazed nang makita ko ang bagay na yun.
Isang golden pendant na may 4 little gems. Ang colorful pa kasi iba't-iba yung kulay ng gems.
"Wow." tanging nasabi ko kasi hindi ko alam ang sasabihin ko kasi ang ganda-ganda ng pendant.
"Ang golden pendant na 'to ang tanging makakatulong sayo upang makabalik ka sa katawan mo." sabi niya at hindi ko talaga maiwasang mamangha.
Yung kulay red na gem ay may heart shaped. Yung yellow naman ay pa-oval. Yung green is round at yung blue ay parang tear-drop.
"Anong gagawin ko diyan?" tanong ko sa kanya.
"You need to find 4 people na makakapagpadama sayo ng apat na damdaming nagpapatunay na mahal ka nila." sabi niya.
"Ano naman yung apat na patunay na yun?"
"The Blue one means Loneliness,pag nakaramdam ng ganyan ang isang tao para sayo ay iilaw ang blue. Ang Yellow naman means Happiness,iilaw lang ito kung may taong makakaramdam ng totoong kasiyahan para sa iyo.Well,which is impossible."
"Bakit naman?" tanong ko sa kanya.
"Aba,sino ba namang makakaramdam ng kasiyahan sa kalagayan mo ngayon?"

YOU ARE READING
Missing Soul
FantasíaTwo Missing Souls.. Are they destined for each other? (COMPLETED)