Nineth Chapter

47 3 0
                                    


Yam


Three weeks na ang nakakalipas simula nung mangyari yun.


At grabe ha! Ang hirap maghanap ng taong magpapailaw sa dalawang gems na 'to.


Ang hirap naman kasi makahanap ng True Love. Pati yung real happiness. Grabe lang.


Tapos kami namang dalawa ni Waulter, pasyal lang ng pasyal.


Kahit saan kami pumupunta. Sa park, sa ospital, tapos minsan sa mall.


Nakakasawa na nga eh. Kasi hanggang tingin lang kami. Kahit kumain di namin magawa.


Sana talaga mapabilis na ang misyon kong 'to. Sino ba kasing nakaisip ng ganitong pamamaraan?


Lahat ba ng mga na-comatose ganito yung kinahihinatnan?


"Yung mga Guardians." napalingon naman agad ako kay Waulter nang bigla siyang nagsalita.


"Huh?" litong-lito kong tanong sa kanya.


Nilingon niya naman ako. "Yung mga Guardians ang nagmamahala sa lahat ng souls and spirts ng mga tao." pagliliwanag niya. " Actually, may limang Guardians ang namumuno sa mundong 'to."


Wow. Guardians? Ngayon ko lang yan narinig ah.


"May Four Kinds of Guardians. The Spirit Keepers, The Dream Catchers, The Futurists, and The Soul Seeker. At ang Soul Seeker ang incharge sa mga tao." sabi niya.


Ang tangi ko lang nagawa ay ang mapanganga. Grabe! Bakit di ko alam ang mga yan?


"Malamang. Iilang tao lang ang nakakaalam ng mga yan." sabi niya.


Nah! He's reading my mind again.


"Sige pa! Mag trivia ka pa! Ang ganda eh! Na-c-curious ako." sabi ko naman sa kanya at nakita ko siyang huminga ng malalim.


"Ang mga Spirit Keeper, sila yung nag-k-keep ng mga Animal Spirits na hindi pa nagagamit." sabi niya.


Missing SoulWhere stories live. Discover now