Thirteenth Chapter

44 2 0
                                    

Yam

"I did it. I-i did it Yam!" he said excitedly. Naguluhan nga ako sa sinabi niya eh, but what surprised me is the next thing he did. He hugged me.

Hindi ko alam kung ano ang i-rereact ko. Bwiset. Ano ba naman 'to?

Paano niya napailaw yung Yellow?

Masaya ba siya pag magkasama kami?


Teka nga ano ba ang nangyayari!!?

Naguguluhan na talaga ako eh.

Ang sabi niya.. Apat na Tao ang makakapag-ilaw sa mga gems.

Pero bakit niya napailaw ang Yellow?

Ibig sabihin...

"I-i'm sorry." Sabi niya tsaka siya kumalas sa yakap.

Kita ko sa mga mata niya na nahihiya siya. He's avoiding my gaze.

"P-pasensya na..." Nahihiya niyang sabi.. "Excuse me." At tsaka tumalikod at umalis sa harap ko.

"Waulter! Saan ka pupunta?" Nag-aalala kong tanong.

Nilingon niya ako at nginitian. "I'll be back." Sabi niya at tsaka siya tumakbo palayo.

"Bumalik ka, ha!" Pahabol ko.

Hindi niya siya sumagot.. Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng lungkot.

Saan siya pupunta? Paano kung hindi na siya bumalik? Paano kung hindi na niya ako balikan?

Natatakot ako.

Sana naman bumalik siya kaagada.

Dahil may part sa akin na gusto ko siyang makasama palagi.

"Hi Yam." Nang marinig ko ang boses na 'yun ay napalingon ako sa likuran ko.

And then I saw a Man wearing black suit. And I'm pretty sure...
.
He's the man in the hologram. Yung pinanuod namin ni Waulter. Siya yun. Siya yung Soul Seeker.

"You're right. I'm a Soul Seeker." Sagot niya.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. So totoo nga sila?

I can't believe na makakakita ako ng isang Guardian ngayon.

At nababasa din niya yung thoughts ko.

"Ok.. Hindi ko na ito patatagalin pa. I'm here para balaan ka." May kinuha siya sa bulsa niya at binigay ito sa akin.

"A-ano 'to?" Kinakabahan kong tanong.

"Basahin mo."

Binuksan ko yung papel na binigay niya at... Bigla akong kinabahan.

' March 19, 2018'

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. "A-anong ibig sabihin n-nito?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.

"Date of Death."

At nang sinagot niya yun ay biglang tumibok ng sobrang bilis ang puso ko.

"And yan din yung deadline ng Mission mo. Kailangan mo nang matapos ang mission mo, at pag hindi mo ito nagawa... Bye bye na."

Nangilid bigla ang luha ko dahil sa sinabi niya.

Hindi...hindi yun pwede.

Kailangan ko pang mabuhay.

Hindi pa ako pwedeng mamatay.

Think positive, Yam. You can do it.

Tinignan ko ulit yung papel.

Missing SoulWhere stories live. Discover now