Yam
"Gaano ka na katagal tumutulong ng mga Missing Souls?" tanong ko kay Waulter habang naglalakad papuntang.... well saan pa ba? Malamang sa park.
"Ahhh.. Five months? Four? Six? I don't know." sabi niya sabay kibit-balikat.
"Hindi ka sigurado?" tanong ko sa kanya.
"I don't think so." sagot niya.
Napatingin ako sa pendant at inangat ko ito. "Sana matapos na ang mission ko." sabi ko sa sarili ko.
"Don't worry. I'll help you." napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
Nakatingin lang siya sa dinadaanan namin habang ako,titig na titig sa kanya.
Grabe. Hindi lang siya basta cold at bipolar. May tinatago din pala ang isang 'to.
He's caring. He'll help me para matapos ang mission ko at para makabalik na ako sa katawan ko.
"Hey!" nagising naman ang diwa ko nang makita kong kumakaway siya sa harapan ko. "Are you, okay?" tanong niya.
Napailing ako at kumurap-kurap. Gosh! Nakatitig na pala ako sa kanya tapos huminto pa ako sa paglalakad. "T-tara na." sabi ko at binilisan ko ang paglalakad para mauna ako sa kanya.
Kakahiya yung ginawa ko!
Awkward na naman ang paglalakad naming dalawa. Tahimik lang kami at kahit gusto ko mang makipag-usap ay nahihiya ako.
Nang makarating kami sa park ay umupo agad ako sa bench.
"Gusto mo maglakad-lakad muna tayo?" tanong niya sa akin.
He is smiling at me while saying those words.
Gosh wag kang mag-assume Yam! Hindi siya nag-aalok ng date. Duh! Everyday na kayong magkasama. Common sense ,Yam ok?
"S-saan naman tayo p-pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Kahit saan. Ikaw? May gusto ka bang puntahan?" tanong niya sa akin.
"M-madami."
"Oh yun naman pala eh. Tara!" sabi niya at inilahad niya ang kanyang palad.
Tinanggap ko ang kamay niya at tumayo ako sa bench.
At doon nagsimula... naglakad kami nang magkahawak ang kamay.

YOU ARE READING
Missing Soul
FantasíaTwo Missing Souls.. Are they destined for each other? (COMPLETED)