Yam
Walang lumalabas na boses sa bibig ko. I can't seem to find my voice. Parang naging dry yung lalamunan ko. Umurong din yung dila ko. Wala na akong ibang nagawa kundi ang tignan si Mom.
"Anak."sabi niya at unti unti niyang inaangat ang kanyang kamay. She wanted to touch my face but I know she can't.
Kitang-kita ko ang pagka-lungkot niya ngayon. I can see it on her eyes. And I really want to hug her.
Nakaramdam ako ng init sa chest ko kaya napaatras ako at napatili.
May naramdaman din akong kamay na sumalo sa sakin dahil muntik na akong matumba at alam kong si Waulter yun.
Biglang umilaw ng nakakasilaw na color blue light. And the last thing I know, nasa park na kami.
~*~
"Umilaw na." ang una kong narinig nang makarating kami dito sa park. Nagteleport kami, I guess?
Napalingon naman ako kay Waulter. "A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.
"Umilaw na ang Blue Gem." sabi niya habang nakatalikod.
"I-it means---"
"Yes." he said,cutting me off. "Namimiss ka na talaga ng nanay mo. And siya ang dahilan kung bakit umilaw ang Blue Gem."
Napalingon ako sa pendant ko at hinawakan ito. The Blue Gem has already lit up. So it means, tatlo nalang ang dapat kong pailawin.
Biglang nag flashback sa utak ko ang nangyari kanina. Ang mga malulungkot na mata ni Mom. Ang mga luha na bumabagsak sa kanyang mga mata. Ang pag-ilaw ng Blue Gem.
Sana mapadali na 'tong mission. Gusto ko ng makasama ang family ko. Gusto ko ng mabuhay ng normal.
"Ayos ka lang?" tanong ni Waulter habang nakatingin sa malayo.
"Honestly, hindi." sabi ko.
He smirked and then he look at my direction. "I'm so stupid. Why did I asked that? It's so obvious." sabi niya at tumingin ulit siya sa malayo.

YOU ARE READING
Missing Soul
FantasíaTwo Missing Souls.. Are they destined for each other? (COMPLETED)