Sam
(19 Years Old)
Flashback
Nandito ako ngayon sa isang party. Debut kasi ng kaibigan ko, inimbita kasi ako so that's why I'm here.
Nakaupo lang ako dito sa gilid habang nanonood ng 18 Dances ng debutante."Uy Matt!" nang marinig kong may tumawag sa akin ay napalingon naman ako at agad kong nakita si Jeremy, schoolmate ko.
"Uy, tol!" nag-fist bomb kami tsaka siya umupo sa tapat ko.
"Grabe nuh? Ang ganda niya?" tanong niya kaya napalingon naman ako sa kanya.
Natawa naman ako sa kanya. "Tinamaan ka na ba ,tol?"
Napakibit-balikat naman siya. "Siguro? I don't know. Maybe oo. Ewan ko ba! Hindi ko pa masasagot yan ng sigurado."
Biglang nag-ring ang phone ko kaya naman kinuha ko ito sa bulsa ko. Pagtiningin ko sa screen..
Xander Calling...
"Ahh.. tol. Excuse lang ha?" tumango naman si Jeremy kaya naman dumiretso ako agad sa may likuran kung saan wala masyadong tao.
I immediately answer the call.
"Hi Xander." sabi ko.
"Kuya.." sabi niya sa kabilang linya.
"Oh bakit?" tanong ko.
"P-pwede bang u-umuwi ka muna?"
"Bakit? Anong nangyari?"
"S-si Samuel kasi kuya." Malungkot niyang sabi mula sa kabilang linya.
"B-bakit? A-anong nangyari kay Samuel?" nag-aalala kong tanong.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Grabe yung kaba ang nararamdaman ko. I am so nervous. Kahit aso lang si Samuel, kahit alaga lang namin siya, mahal ko pa din yun. Kaya mag-aalala talaga ako. At sa tono ng pananalita ni Xander, I think may masamang nangyari.
"U-umuwi ka muna dito.. P-please?" sabi ni Xander mula sa kabilang linya. And I think, he's crying.
Mas lalo akong kinabahan dahil doon.
"O-oh sige sige. Hintayin mo'ko diyan. Pauwi na ako. Okay?" sabi ko."B-bilisan mo kuya." Rinig kong sabi ni Xander habang umiiyak.
"S-sige sige. Papunta na ako." at binaba ko na yung telepono.
Hindi na ako nagpaalam kay Jeremy o kahit kanino. Dali-dali akong lumabas sa gate. At nakakabwiset lang kasi subdivision ang venue.
Tumakbo ako ng mabilis. Pumunta ako doon sa malapit na park dito. Doon kasi, mas may dumadaan na sasakyan. Total wala naman akong sasakyan, edi mag-commute.
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo papuntang park. Ramdam ko na din ang pagod at ang panginginig ng tuhod ko. At mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako kung anong nangyari kay Samuel.
Samuel is our dog. Though he's just a dog, we treat him as our family. We treat him as one of our brother, our friend. And we don't want him to be gone.
Nag-aalala na ako. Sobrang kinakabahan ako. Ayokong may mangyaring masama kay Samuel.
Nang mahagip na ng mata ko ang park ay mas binilisan ko pa ang takbo ko.
Parating na ako, Samuel. Wag muna please. Hindi ka pa pwedeng mawala.

YOU ARE READING
Missing Soul
FantasyTwo Missing Souls.. Are they destined for each other? (COMPLETED)