Ito na kaya yun? Kanina pa ako palaboy laboy dito sa Manila para lang malaman kung saan 'tong hotel na to.
"Ahy Miss! Eto po ba yung Infinity Hotel and Resort?" Tanong ko dun sa babaeng kakalabas lang sa malaking bintana.
"Ahh oo eto nga, may kailangan sila?"
"May hahanapin lang ho sige salamat ate *bow*" pumasok na ako at nagtanong sa may receptionist. Hey kahit taga probinsya ako may alam din ako sa mga ganito no. Lagi kaya akong nanonood ng movie *-* kaya medyo di ako ignorante XD Medyo lang.
"May I know the room of Mr......Sandroval the third?" Tanong ko sa receptionist. Im not sure kung tama ba tong napuntahan ko pero ito yung condominium na tinuro ni Lola. Haysst! Tama bang sundan ko ang payo ni Lola?
"Mr. Sandroval the third?" Ulit nung babae habang hinahanap yung pangalan na binigay lang din saakin nung matanda. Sigurado bang may ganung pangalan? At medyo pamilyar yung apelyedo ha. Sandroval...
"Oh there it is, nasa room 406 po sya 4th floor po. Anong kailangan nyo po sakanya?"
"Ah pinapunta lang po ako dito ng isang matandang babae. Ipapasok daw nya ako sa trabaho^^" yup! Kaya lang naman ako nandito dahil sa sinabi ni lola na magkakaroon ako ng trabaho basta puntahan ko lang si Mr. Sandroval.
"Ahh okay, nasa room 406 po sya"
"Sige sige salamat" tumungo na ako sa elevator at pumasok. Agad kong pinindot ang 4th floor para naman sumara agad ang pinto. Ano kayang hitsura ni Mr. Sandroval? Gwapo kaya? Pero parang apelyedo ng matanda yung gamit kaya baka nasa near 40's na sya. Luhhhhh!! Di kaya masama syang tao? Tapos tapos.... naiuntog ko ang sarili kong ulo sa may salamin. Gaga ka talaga Kelly kung ano ano ang iniisip mo. Green minded ka talaga haist.
Ting!
Lumabas na ako ng elevator at dali-daling hinanap ang room 406.
403...
404...
405..
"Ayun! 406!" Inayos ayos ko yung buhok ko kasi alam kong haggard na sya. Plus powder, then a little lip gloss at syempre pabango para naman presentable. Sana naman may trabaho na ako after nitong try na to.
"Fighting!" Pasigaw kong bulong. Nang alam kong okay na ang hitsura ko ay agad kong kinatok ang pintuan. Pero wala parin, kinatok ko ulit pero wala paring response. May tao ba? Parang wala naman. Katok lang ako ng katok at hinanap kung may door bell ba dito. At nang may makita akong buzzer ay agad ko yung pinindot ng pinindot.
"WTF IS YOUR PROBLEM!?" napatalon ako nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang isang lalaking nakaboxer. OMG!
Sya!?
Bakit sya!?
Pero infairness ha, mas gwapo sya pag nakaboxer lang. Pawis ba yung dumadausdos sa dibdib nya? Shit! Ano bang pinag iisip ko!?
"YOU!? WHO TF (the Fuck) ARE YOU!"
Di parin ako nahimasmasan at sadyang nakakaakit yung mga pawis niya. Wahhhh Lord! Save me!!! Nagkakasala ang mga mata ko dahil sa lalaking ito!.
"Are you deaf? Im asking you!" Napakurap ako ng ilang beses at sa wakas napatingin na ako sa mga mata nya. Pero nagsisisi akong tumingin sa mga mata nya dahil parang konti nalang kakalbuhin nya ako and at the same time ay nakakalaglag panty. Oh god! Bakit kasi napakagwapo nya!?
"U-Uhhmm ehem! M-May nagpapunta s-saakin d-dito. Bibigyan mo daw ako ng trabaho?" Pautal kong sabi habang iniiwasan na mapatingin sa abs nya. Omg! Mga bessy! Where's the coffee!? May pandesal oh!

BINABASA MO ANG
Falling In Love With My Gay Boss
Non-FictionMeeting someone who has a big part of your past seems normal and simple. But what if you never remember your past? Or who you really are? Then one day you met someone has a big impact in your life and your memories suddenly come crashing. Eventuall...