Chapter 6: HIS EX FIANCE

464 12 0
                                    


Bea's P.O.V:

Busy ako nag-aayos ng mga papers na binigay ng mga bawat departments para mai-pass na kay Boss. Ansaya nga ehh di na ako nagmumukhang manang at losyang dahil sa pagod kagaya noong mga nakaraang araw ko dito. Habang tumatagal eh sumasabay narin ako sa mga trabaho ng iba, yun nga lang ako lang ang naiiba ng trabaho. Halos lahat ay may tig-isa isang assignment na binibigay ni Boss para sa development ng Corp. Meaning ang mga kasama ko ay mga nasa matataas na rank. Ang astig no!? Tapos akong kakapasok lang kasama sila magtrabaho? Kaya nga andaming naiinggit sakin kasi parang promoted na ako agad😑😑 Kung gusto nila palit nalang kami ng pwesto nung mga naiinggit sakin.

"Tell Mr. Veluz to give me the final document that I'd asked yesterday. ASAP" naks! After nung huli kong nakausap si Boss sa office nya ngayon lang nya ulit ako inutusan😂


Agad-agad akong lumapit sa area nila kuya Aaron at tinapik siya sa balikat. "Tawag ka ni boss kailangan na daw nya yung Final Documents" tumango naman sya at kinuha ang black folder na nasa tabi lang ng keyboard nya at tumayo. Bat parang seryoso ata ang lahat ngayon? Kaninang umaga abala na sila sa mga computers at papers na nasa mesa nila. Anong meron?




"Caitlyn anong meron mukha ata kayong busy?" Tanong ko sakanya nang makaupo na ako sa pwesto ko.


"I don't know, basta binigyan nalang kami ni Boss ng kaniya-kaniyang assignment, maybe there will be a big meeting and new products na darating.." Ani nito nang hindi man lang ako nililingon at abala sa computer nya. Luhhh baka dahil sakin kaya sila naman ang pinaparusahan nung baklang yun?



At dahil nga busy silang lahat eh di ginawa ko narin ang trabaho ko at inayos na mabuti ang mga papel at pinagseparate ang mga ito. Then nagpaalam ako kay Cait para magdistribute ng mga documents at ibalik din ang mga pinasang files nung mga ibang department. Pagkabukas ng elevator ay bigla nalang akong napa-upo at lahat ng mga inayos kong documents ay nagkalat sa sahig. HUTA SINO YUNG BUMANGGA!? Di ba nya nakitang marami akong dala-dala!?



"Oh my god! You pity toe! Watch where you going!" WOW HA!? So ako pa ngayon ang di tumitingin sa dinadaanan!?

Makakatikim tong taong to sakin eh. Tumayo ako at pinagpagan ang sarili ko. Yung mga inayos ko😭 Ang hirap kaya mag-ayos! Mas mahira pa ngayon kasi nagkahalo-halo na yung mga pages ng iba! Masakit kong tiningnan yung lapastangang bumangga sakin. Kita na ngang halos di ko makita ang dinadaanan ko sa dami nyan tapos bubungguin pa ako!? Abaaaaa suntukan nalang!!


"Whatch where Im going? Neknek mo! Look what you've done!" Angas ko at pinakita sakanya ang mga papers na nagkalat sa sahig, may mga iba pang lumilipad pa lang. -.- tae naman oh!



"So?, I didn't saw you and Im in a hurry okay? Haharang harang ka kasi" Malandi niyang sabi sakin. Dun ko lang din napagtantong sobrang ganda niya at parang siyang hollywood model. Oh shit! Natotomboy ako guys. Pero yun nga lang mukha syang maarte. Ahy hindi pala guys, maarte sya. SOBRANG ARTE. Parang apat na Gelai ang ugali niya -.-




"Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo" inis kong pinulot isa-isa ang mga papel. Tinulungan naman niya ako, kasalanan naman nya eh kaya dapat lang na tulungan niya ako no. Damn, this skirt is killing me -.- ang higpit. Mabuti at di nagrereklamo ang mga iba?


"You're new here? *ngisi*" Natigilan naman ako saglit nung bigla syang nagtanong. "Mag-iisang buwan na" sagot ko naman. Nang matapos na naming pulutin ang lahat ay binigay na nya sakin ang iba. Great😑😑 mauulit nanaman ang trabaho ko.


"Here let me help you" kumuha sya ng mga ibang folders at sinamahan nya akong dalhin ang mga ito. Ang mga iba naman ay nagulat nung pumasok kami, oh? Kala ko ba busy silang lahat? Naglakad kami hanggang sa nailagay namin ang lahat sa mesa ko. "Thanks for helping me" mabait naman pala to eh, maganda pa!

Falling In Love With My Gay BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon