Chapter 15: Sick and Care

433 19 0
                                    

Bea's P.O.V

Akala ko may mali lang sa tulog ko o sadyang napakaganda ng panaginip ko kaya tahimik ngayon ang mala-armalight na bunganga ng kapatid ko. Simula nung pagkauwi ko sa bahay, pagpasok ko sa trabaho, at pag-uwi ko ulit ay tahimik lang itong Gelai. Kagaya ulit ngayong kakagising ko, umaasa akong bumalik sa pagkamaldita nitong kapatid ko pero tahimik parin. At ang pinagkakataka ko pa guys....namumula ang tenga. 😑😑 langya nagdrudrugs na ata tong kapatid ko.

Bago ko maisipang pumasok ay tinapik ko muna ang kapatid kong abala sa pagkain niya. "Hoy bakla, anyare sayo? Tahimik ka ata ngayon. Asan si Ice?"

Pagkasambit ko ng pangalan ni Ice ay bigla syang naalerto na parang bang may lion syang nakita kaya napaayos ng upo. Oh anyare dito?

"H-Ha? Abay malay ko sa to-tomboy na yun! At bakit nandito ka pa? Malelate ka na teh mahaba ang traffic ngayon sa NLEX." Nabatukan ko sya sa sinabi niya. Huta nakasinghot nga sya ng droga. At kelan pa ako dumaan sa NLEX eh part ng Pasay City ang Manila😑 at kelan pa nagkatraffic sa NLEX? Gago ba to?

"Gaga, anong nakain mo at sinabi mong may traffic sa Nlex? Asan ba si Ice ha? Diba lagi kayong magkasabay nun? Halos mag-boypren at gerlpren na ang turi-" di ko na natapos ang sinasabi ko nang bigla syang naduwal at tinulak ako palayo saka mabilis na umarteng nasusuka sa may lababo. 😑

"Hoy! Wala kang matress para magsuka suka na parang buntis. Hayyy ewan ko sayo. " asar ko sakanya at nagmadaling bumaba na at nang makapasok na ako sa opisina.

Simula nung nabaril ako andaming nagbago sa paligid ko. Una, si Cait at si Kuya Aaron. Asaran at awayan din ang dalawang yun pero laging talo si Kuya Aaron. Eh hindi naman sila ganun ka-close dati eh.

Pangalawa, may nagtetext sakin na lagi daw akong mag-iingat at wag basta basta lumalabas. Huta! Sino ba kasi yung asungot na yun at nang ipakain ko sakanya ang salamin at sombrerong pinapasuot nya eh walang araw! Makulimlim kaya!

At eto pa guys, si Bakla! Hayyy yung reynang bruha na yun. Pinapasikip ang puso ko! Halos lumambot na ang tuhod ko sa nangyare saamin nung isang araw. Grrr bakla pa ba yun o naging lalaki na? Minsan ang hirap magbasa ng isip at galaw eh. Hindi mo alam kung ano ang kahulugan ng bawat galaw nila😑

Pero .... guys posible bang magkagusto ang baklang Boss ko sa katulad ko? Hayyy Bea Bea.. baka nakakalimutan mo nang may Boylet si Ralph. Kaya wag ka nang umasa.



Gelai's P.O.V

"Oh nak? Bakit namumutla ka? Ayos ka lang ba? Kung wag ka na kayang pumasok?" Tanong ni Mudrakels saakin nang madatnan ako nitong nakaupo sa may upuan- alangan naman sa mesa?- umiling lang ako kay Mudra at nginitian sya ng sobra sobra.

"Ano ba Mudra! Okies lang si ako . Bagong lipstick ko lang yan, white ang color. Oh di ba bongga? Sige alis na ako Mudra wag gagawa ng milagro ha? " mabilis kong sabi kay Mudra at hinalikan ito sa noo saka umalis ng bahay.

Pinakaayaw kong makitang nag-aalala sila nang dahil saakin. I'm very aware na mahina lang ang katulad ko. I'm not that strong and any time my worst nightmare can visit me and take me away from the dream I want. Malalim ba mga bruha? Well sorry ka mababa ang I.Q mo wahahah di joke lang ha. Peace tayow.

"Angelo!!!" Ugh nandito nanaman yung bruhang patay na patay saakin. Guess who, syempre si Mariz. Grrr nakakadiri talaga. Speaking of diri, napatingin ako sa gawang kaliwa ko kung saan ang bahay nila tomboy,at sa kasamaang palad ay nakita ko syang nakatingin din saakin. Pareho kaming napaiwas ng tingin dahil naalala ko nanaman ang nangyare saamin noon. Ewww!!! Yuck huhuhuhu ang kadyosahan ko naharass ng kapangitan ni Ice wahhh!!

"Asiza mauuna na kami ni Angelo ko ha! Babush!!" Bago pa ako makareact ay naramdaman kong niyakap na ni Mariz ang braso ko at hinila paalis. "H-Hoy ang kamay mo! Eww!!" Pagproprotesta ko. Nilingon ko si Ice sa likod at nakita ko syang nakayuko lang. Hala! Nagtatampo na sya. Pinilit kong alisin ang kamay ng bruhang impaktang ito na parang tukong nakadikit sakin pero wala ayaw talaga eh!! Sorry Ice huhuhu ..

Falling In Love With My Gay BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon