Chapter 26: FOUND

253 7 0
                                    

Bea's P.O.V

Hindi ko alam kung ilang oras na akong naglalakad dito sa kagubatan habang yakap yakap ang sarili. Madilim na ang paligid at malamig, pero dahil sa buwan ay may nakikita pa naman ako at tulong narin ng flashlight ko sa phone. Pero malapit na itong malowbat. Wahhhh nasan na ba ako!? Nyetang larong yan, pinahamak ako. Dapat pala bumalik na kami ni Haze kanina 😢

*owl's sound*

"Ahh! *flinashlightan ang isang puno* ... hayss Kwago lang pala* sabi ko habang sapo sapo ang dibdib ko. Nakakagulat naman kasi. Wah kanina pa ako paikot ikot dito sa gubat pero wala man lang akong makitang ilaw galing sa resort! San ba ako pinunta!? Bakit parang anlayo layo ng pinuntahan ko?

Humangin ng malakas kaya naman napayakap ako sa sarili ko. Napapikit ako ng mata ng may maalala ako. Yung mukha ni Ralph... mukhang ayokong makita.. Tinapik tapik ko ang pisngi ko at inalis sa isip ko ang nangyare sakin noong dinakip ako nila Kelly...

"Kaya mo to Bea.." Huminga ako ng malalim at dali daling naglakad ng deretso. Wala na akong pake kung san ako mapadpad basta makahanap lang ako ng highway at magt-taxi nalang ako.

Sa paghahanap ko ng daan ay may kung ano akong narinig sa may bandang kaliwa ko. Agad-agad ko itong inilawan ng dala kong phone at tiningnan kung ano yun pero wala akong nakita kahit ano... baka palaka lang siguro yun.

20% nalang ang battery ng phone ko😭 pano na to. Wala pa naman akong load! Bat kasi hindi ako nagpaload? Ahy gaga aba malay ko na mangyayare to sakin? Atsaka pano ako tatawag eh walang signal! Bakit walang signal dito? Nasan na ba ako? Eh kung umakyat kaya ako sa puno?... no way~ ang tataas ng mga puno dito at walang sanga na maabot ko😑

Nakarinig ulit ako ng kaluskos ng mga dahon sa banda kong kaliwa kaya agad ko itong inilawan. "S-Sino yan!?... Kung ikaw yan Haze hindi yan magandang biro!" Sigaw ko. Wala na akong pake kahit may makarinig saaking kapre, maligno o tikbalang!

Inilipat ko ang ilaw sa may likuran ko nang may marinig ulit akong kaluskos ng mga dahon. Alam niyo yung naapakan? Ganun na ganun.. "Sino kasi yan! Huta hindi na to magandang biro!" Naiiyak kong sabi. Shit! Kahit papaano babae parin ako no, marunong matakot lalo na sa sitwasyon ko ngayon. Pano nalang kung rapist o mamamatay tao yung umaaligid sakin? Eh di namatay na ako? Wahh wag naman sana, di ko na makikita sila Ralph at makakasama sila Mama.

Bakit ba kasi laging kasama ko ang peligro? Tch.

Inilibot ko ang flashlight ko nang bigla itong namatay..... don't tell me

"Shit! Bat ngayon pa!??" Pinanggigilan kong hinawakan ang phone ko at napalibot ang tingin ko sa paligid dahil may naririnig nanaman akong kaluskos. Mas malakas na sya ngayon at papalapit sakin. S-Shit... sana naman wag baboy damo, ahas , bwaya o pating! .. wait pating? Gaga ka talaga Bea...

Napasigaw ako ng biglang may tumakip sa bibig ko. Dali-dali ko itong siniko na ikinainda nya at agad kong tinadyakan ang parteng pinakahuli niyang mararanasan ang sakit! Napaindang ito at napaluhod sa harap ko.

"Aww! Fuck!- " teka... kilala ko yung boses na yun ah? "R-Ralph?" Tanong ko agad saka pilit na tinitingnan ang mukha ng nasa harapan ko.

"Whoelse!? Fck Bea! You kneeled me two times! Pano kung mabaog na talaga ako ha!?" Galit nyang sigaw sakin pero imbes na matakot ay daan daang luha ang tumakas sa mga mata ko. Hindi ito dahil sa sigaw nya kundi sa tuwa. N-Nahanap ako ni Ralph. Hindi na ako naliligaw, kasama ko na sya.

Agad ko syang niyakap ng mahigpit at naging dahilan para maitulak ko siya pahiga sa mga patay na damo at umiyak sa dibdib nya. Akala ko di na ako makakaalis sa gubat na 'to. Akala ko makakain na ako ng mga ligaw na hayop. Akala ko dito na ako titira. Iyak lang ako ng iyak habang niyayakap sya ng mahigpit, naramdaman ko ang kamay nya na humahaplos sa buhok ko at dahil dun ay mas lumakas ang iyak ko.

Falling In Love With My Gay BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon