Chapter 5: Cinderella can be mean too

510 16 0
                                    

Author's P.O.V:

Ilang araw palang ni Bea sa trabaho ay sobrang haggard na ito. Pano ba naman kasi utos ng utos yung boss nya plus tuwing hapon ay pinapalinis nya ang opisina nito kay Bea. Hayy kawawang Bea, sisiga-siga sa bahay pero mala cinderella ang dating nya sa trabaho. Wala syang pahinga at halos mangayayat na sya sa gutom pero tiniis nya parin yun at pinagpatuloy magtrabaho kahit na bwesit na bwesit na sya. Kailangan nyang kumayod at maghirap para sa pamilya. MAY PASSION NGA KASI SYA DIBA. XD




Habang tumatagal sya sa Infinity Corp. ay parami na ng parami ang nakikilala nya dito. May mga ayaw parin sakanya dahil iniisip ng iba ay ginayuma niya ang Boss nila kaya nakuha sya agad ng walang kahirap hirap eh mas hamak na mataas ang natapos nila. Pero imbes na pakinggan ni Bea ang mga yun ay hinayaan nalang nya. Ang mahalaga ay may trabaho na sya. Eh si Joana kaya? Kamusta na kaya yung bruhang bestfriend nyang yun?


"Bea! Sasabay ka saaming maglunch?" Tanong sakanya ni Aaron. Yung pinakaasal bata sakanilang mag-o-officemates, he's lining for the position of Head Department. Isa sya sa matagal na nagtratrabaho or employee sa Infinity Corp. Sya ang unang lumapit sakanila ni Caitlyn at di naglaon ay may mga kumakausap narin sakanila.



Umiling lang si Bea at nagpatuloy magtipa sakanyang computer. Kailangan na kasi yun mamayang 1 pm eh mag-a-alas dose na nasa pangatlong page palang sya out of 6! Pano kasi yung magaling nyang boss pinaliit ang mga fonts tapos kung ano ano pa ang sinulat nya para i-encode ni Bea para sa meeting nila mamaya.



"Tama na muna yan, promise tutulungan kita mamaya" sabi ni Aaron nang makalapit na ito sa tabi niya. Hindi sya tiningnan ni Bea at patuloy parin sa pag-ta-type. "Sige lang mauna na kayo, habol nalang ako after this."


"Bea pagpahingain mo na muna yang mga mata mo. You never take a rest, look at yourself! You look like.....more manang than me." Sabi ng katabi nito na si Caitlyn at awang awa sa kalagayan ng kaibigan nya. Napabuntong hininga nalang sya at nilingon silang dalawa at tumango. Sinave niya muna ang tinype nya atsaka sumama sakanilang iba pang officemates. Ang mga iba ay natawa sa hitsura nya at tinukso dahil mukha na daw syang dalagang iniwan ng syota.



Si Bea ang pinakabata sakanilang lahat, 19 palang sya at ang mga katrabaho nya ay nasa 21 pataas na. Pero keribels lang naman nya eh. At di nga siya binigo ni Aaron, tinulungan sya nitong mag-encode at agad din nyang pinasa sa boss nito.


"Masyadong maliit, palakihan ng konti" masungit na sabi ni Ralph sakanya at binato ang folder sa mesa. Napabuntong hininga naman si Bea at nagprint ulit ng mas malaking font size kesa sa dati at agad nitong pinasa sa Boss nya na abala rin sa pagtitipa sa kanyang laptop.


"Okay na po ba yan BOSS?" medyo sungit nya.


"Yes, kunin mo nga yung cupcake sa may ref. Im hungry" Bea growled and took the cupcake in the refrigerator at nilagay ito sa mesa nya. "Pakikuhan narin ako ng Milk." Utos nito. Wala nang nagawa si Bea at pinagkuha ito ng gatas saka nilagay sa mesa.


"May iba pa po ba kayong iuutos Boss?" Sabi nito na may halong inis na. Nadala na ata sya sa mga parusa na natanggap niya nang suwayin niya ang mga rules ng amo niyang bakla. Hay naku huwag na kayong mag-isip kung ano ang mga parusang yun dahil pati kayo baka umatras din sa paglabag XD.


Kumuha si Ralph ng isa at kinain nya ito sa harap ni Bea na tila iniinggit nya ang dalaga. Napairap nalang si Bea at hinintay na paalisin sya nito. Pero wala atang balak paalisin ang dalaga sa harap nya. Dahan-dahan din itong uminom ng gatas at pinainggit pa sya.



Nananadya ba tong baklang to!? Konti nalang talaga mapupuno na ang pasensya ko.!!!


Kung si Ralph ay takam na takam sa pagkain niya, si Bea naman ay kulang nalang ibato na nya ang bakla nyang boss sa may malaking bintana na nasa likuran nito. Hmmm pwede rin? Ahy hindi pala! Baka makulong pa sya mahirap na kaya naman tumingin nalang sya sa mga buildings na nakikita mula sa kinatatayuan niya para naman di mapunta ang atensyon niya sa kinakain ng bakla.




Falling In Love With My Gay BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon