Chapter 22 : Got visited by a friend

298 8 0
                                    

Ice's P.O.V

Hindi ko alam kung napasobra ba ako sa kape o talagang nininerbyos lang ako ngayong umaga? Feeling ko may mangyayareng masama ngayon eh.

Hindi ba ganun naman talaga yun? Yung kapag bigla bigla kang kakabahan eh may mangyayareng masama? Hala wala naman sana ;-;

"Aysaa!" Rinig kong tawag sakin ni Mama sa may kusina. Himala? Wala ata silang raket ngayon?

"Po?" Sabi ko nang makalabas ako ng kwarto. Nakita kong nakahiga ang Papa sa may upuan at halatang lasing na lasing. Hayy uminom nanaman ang Papa. Lagi lagi nalang, tuwing makikita ko siya laging lasing. Kung hindi naman lasing, masama ang timpla ng araw o gabi.

Pagkarating ko sa kusina ay nakita ko si Mama na nagluluto. "Bakit Ma?" Nilingon naman niya ako agad at may iniabot saaking pera. Isang daan sya.

"Bili ka nga ng isang kilo ng bigas dun sa palengke. Wala na tayong bigas eh"

"Sige po."

"Umuwi agad"

"Opo" muktol kong sabi at lumabas ng bahay. Tsk, kaya ayokong dumadating sila Mama eh. Lagi nila akong inuutusan. Kahit kaya naman nila utos parin sila ng utos. Porket anak nila ako panay utos na nila sakin. Psh. Abuso

Nakakapagtaka ba kung bakit Mama at Papa ang tawag ko sakanila? Hindi ko rin alam. Yun ang gusto nilang itawag ko sakanila eh. Kala mo naman may kaya kami. Tss

"Hoy Bruha!

"Ahy bruha!?-"

"San ang rampa mo?" Muntik ko nang masuntok ang pagmumukha ni Angelo dahil sa sobrang gulat ko. Mabuti nalang at napigilan ko dahil kung hindi baka nasira na ang mukha nito at ako pa ang sisihin. Mahirap pa naman to paamuhin. Daig pa ang leon.

"Ikaw lang pala. Pasalamat ka at di ko naituloy!" Sigaw ko sakanya. Natawa naman sya at inakbayan ako.

"Duh knows ko namang di mo yun kayang gawin" -oo di ko nga kaya - 3 -

"K-Kaya ko kaya!" Sheyt nabulol ako ><

"Haha try mo lang makakalbo ka. San ang lakad mo?" Inalis ko ang pagkakaakbay niya sakin dahil masyado na akong nauubusan ng hininga at pinagpapawisan sa sobrang kaba at kilig.

"Sa puso mo, pwede ba?" Walang gana kong tanong saka naglakad na palayo. As if namang sasagutin niya yan noh. Alam ko naman na ang sagot eh.

"Sus yun lang naman pala. Eh di hanapin mo kung kaya mo" nagtataka akong lumingon sakanya.

"Hanapin ang alin?"

"Ang daan papuntang puso ko" napatigil ako sa pag-iisip sa sagot niya. What the...?

Sasagot na sana ako pero inunahan niya ako "- pero kasi sarado eh. Kaya kahit matagpuan mo ang daan. Di ka parin makakapasok. Nakalock " nakangisi pa niyang sabi atsaka naunang naglakad. Walanjo naman oh! Kikiligin na ako! Nasa tuktok na yung kilig ko oh! As in sobra to the highest level tapos bigla niyang ibinagsak? Kasing baba ng grades ko na line of 7! Bwesit talaga to.

Hinabol ko siya at binatukan. Napaaray naman sya,haha buti nga sayong bakla ka!

"Nakapadlock ba? Eh di gibain natin!" Natatawa kong sabi saka bumelat pa sakanya. Hindi ko alam kung guni guni ko lang pero namumula ang mukha ni Angelo na akala mo nagmaxipeel! Or dahil lang yun sa araw? Hahaha.

"Bruha, shuttap ka na nga. Anyways another ways ebridays, sama ako sayo. Pinalayas ako nila pudra at mudra sa bahay eh."

"Ha? Bakit naman?"

"Duuh! Kelangan pa bang sabihin ang obvious? Ewww ayokong makarinig ng mga malalaswang tunog sa kwarto ko noh. Baka masuka pa ako" natawa nalang ako sa runts ni Angelo at tumango nalang saka pumunta na kaming palengke. Medyo malayo ang palengke sa lugar namin pero keri naman syang lakarin eh. Tipid pa! Pero itong kasama ko ang tahimik. Di ako sanay..

Falling In Love With My Gay BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon