Chapter 1: Demolished

1K 23 2
                                    

"Ateeeee!!!!!" Rinig ko sa panaginip ko. Huh? Bat napasama ang boses ng kapatid ko sa dream ko?

"Im here...." hindi ko makita ang mukha nya dahil medyo blurred ito pero alam kong sobrang gwapo nya. He's wearing a sky blue shirt and a simple jeans. Mas matangkad sya sakin kaya mas gumwapo sya.

"Bea , i-" you what? Oiii bilisan mo at na-eexcite na ako dito hihihi. He gently hold my chin up to look at him even though his face was blurry. T-Teka! Hahalikan nya ako!?

"ATEEEEEEEE!!!"


Blag!



A-Aray ko po. Peste naman oh!!! Kung kelan naman mahahalikan na ako ng prince charming ko saka naman nambulabog itong bwesit kong kapatid. At ang pinakamalala pa ay nahulog ako sa sahig! Ansakit ng balakang ko😭

Mabilis akong pumunta sa pintuan habang nakahawak sa beywang dahil dun ako napuruhan at galit kong binuksan ang pintuan. "BAKIT BA!? ANG SARAP NG TULOG KO EH!!!"

Medyo napatahimik sya ng unti at inis nya akong tiningnan. Oh anong ginawa ko? "SARAP NG TULOG!? IDEDEMOLISH NA ANG LAHAT LAHAT NATUTULOG KA PARIN!? KUNG MAS MAGANDA PALA ANG TULOG MO EH DI MATULOG KA PA! GOODLUCK TINGNAN NATIN KUNG DI PATAY ANG ABOT MO!" at ayun na nga ang walk out moment ng kapatid kong mas babae pa saakin. Oo bakla ang kapatid ko, kegwapo gwapo bakla! Pero tanggap naman sya ng mga magulang ko kaya okay lang...pero teka....

DEMOLISH!!?????


Agad akong napatakbo palabas ng bahay at nakita kong tumatakbo ang mga tao papuntang west kung saan ang tulay. Nakita ko sila Mama na may dala-dalang tatlong maleta at mga gamit kasama si Papa. Teka asan yung asungot kong kapatid!?

"Nay! Anong nagyayare?- Aray ko naman po!" Wahhh binatukan ako ni Mama ng dala nyang pamaypay. Ansakit😭


"Kanina pa kita pinapagising kay Gelai (A/N: Name po ng kapatid nya ay Angelo at n-name nya ay Gelo sana pero bakla kaya Gelai hahaha) pero sinigawan mo lang! Idedemolish na ang baryo natin at wala na tayong magagawa pa kaya i-empake mo na ang lahat ng gamit mo'y pupunta tayong Manila!" Parang biglang nawala ang sakit ng ulo ko at napangiti nang marinig ko yun kay inay. OMG! PUPUNTA KAMING MANILA!!

"Aysus yun lang pala! Sige po Ma, pero pag nakita nyo po si Joana pasabi po na itext nya ako salamat!"


Agad akong tumakbo papasok ng bahay at agad agad na inilagay sa maleta ko ang lahat ng damit ko, mga gamit para sa panlinis ng katawan, lahat lahat ng importante saakin. Tapos ibinalot ko ang mga sapatos at sandals ko sa isang malaking plastic at inilagay sa bag ko. Then nagpalit narin ako ng damit, naku wala ng ligo ligo baka maabutan pa ako ng demolish!

After kong ibalot ang lahat ng gamit ko ay lumabas na ako at agad kong nakita ang pamilya ko sa may tapat ng bahay. Nagtatatakbo parin ang karamihan papuntang west dala dala ang mga gamit nila at yung iba naman ay gamit ang mga sasakyan at tricycle nila, so ibig sabihin sa may east nila inumpisahan.

"Oh? Akala ko ba matutulog ka pa? Ate keribels nanamin to sumunod ka nalang BUKAS" Pagtataray ng kapatid ko. Hmp! Sundutin ko yang mga mata mo eh!

"Ahy ayoko eh, at pwede pa naman akong matulog sa sasakyan. At tigil tigilan mo ko dyan sa kakairap at pitik pitik mo dyan masasapak kita!" Di po ako tomboy ah. Sadyang nakakabwesit lang tong kapatid ko.


"Tama na yan! Mag-aaway pa ba kayo eh malapit na ang mga truck!? Tara na ilagay nyo na yang mga yan sa sasakyan at nang makarating na tayo sa Maynila" sigaw ni Papa samin. Napatungo nalang kami at dali daling inilagay ang mga gamit namin sa sasakyan. Oo may sasakyan kami pero hindi kotse or what haha. Di ko alam ang spelling pero tawag ng karamihan ay "Owner" or "Oner". Di ko talaga alam kaya kalimutan nyo nalang haha.


Falling In Love With My Gay BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon