Chapter 13 : Mystery Guy

418 11 0
                                    

Bea's P.O.V

"I'm sorry..."

Lagi nalang, kaharap ko nanaman sya but this time ay humihingi siya ng tawad saakin. Bakit? Anong kasalanan niya?

"Sorry for what?"

"I'm sorry" paghihingi nanaman niya ng tawad. Ever since napanaginipan kong binaril kami ay ganito na lagi ang napapanaginipan ko. Humihingi siya ng tawad pero hindi ko alam kung ano ang rason.

Napatakip ako ng bunganga nang makitang may mantsa na kulay pula sa bandang dibdib nito. Hindi ko parin makita ang mukha niya pero feeling ko ay malaki ang parte nya saakin.

Bakit ba ako nandito? Patay na ba ako? I've been dreaming this over and over na parang sirang plaka. Feeling ko billion years na ako dito kaharap itong lalaki.

Hinawakan ko ang mukha nito kahit di ko man makita ng malinaw. "Bakit ka nagsosorry?"

"Because I...." ayan nanaman yang "I" na yan. Di nanaman matapos tapos.

"I'm so sorry Bea" napabuntong hininga nalang ako sa inis. Sabihin mo nalang kung ano ang kasalanan mo!

"I'm really sorry" pagsambit nyang iyun ay naglabas sya ng isang matalim na bagay. Bigla akong kinabahan sa inilabas niya. Wag mong sabihin pati ba naman dito sa panaginip tatangkain akong patayin!?

Puno ng dugo ang kutsilyong dala dala niya. Tumingin sya sa may bandang likod ko kaya naman sinundan ko ang tingin niya.....

"Ralph..."

"Bea!" Pagkatawag sakin ni Ralph ay nakaramdam ako ng sakit at hapdi sa may bandang likod ko kung saan ang puso ko. At doon ko lang nakita na ang kutsilyong dala dala kanina ng lalaki ay nakatusok na pala saakin.

Tiningnan ko si Ralph at maski siya ay gulat na gulat. Pilit nyang lumapit saakin pero parang hindi sya umaalis sa pwesto niya kanina.

..Ralph..

-----

"Ayoko nyan sabi eh!"

"Ang arte arte mo! Yan na masarap yan!"

"Gusto ko chicken!"

"Mas masarap tong hotdog! Diba favorite mo yan!?"

"Wag nga kayong maingay, mamaya na kayo maglambingan pwede ba anak?"

"Ewwww me? Lambing with her!? Kadwiri"

Parang may maingay...may nag aaway ba? Sobrang bigat ng katawan ko, gusto ko sanang gumalaw at umupo pero di ko magawa. Anong nagyare sakin?

Bang!

Oo nga pala....nabaril ako. Pero, bakit naririnig ko ang boses nila Gelai? Patay na ba ako?

Pinilit kong imulat ang mga mata ko pero parang may nakapatong na bagay sa mga mata ko dahil ayaw magbukas. Pinilit kong igalaw ang mga kamay ko pero ayaw.

"M-Mudra...yung kamay ni ate.."

"Ha bakit?"

Pinilit ko paring igalaw ang mga kamay ko pero tanging mga daliri ko lang ang naigagalaw ko.

"Tumawag ka ng doctor bilis!!!"

"Aray ha! Kelangan may tulak!? Ikaw ang kapatid bakit ako ang inuutusan mo?"

"Kaya ka nga sumama para may utusan eh. Bilis!!"

"Tch. BAKLA!"

"tomboy!"

Falling In Love With My Gay BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon