Bea's P.O.V
Nakakailang ikot na ako dito sa unit ni Ralph pero wala parin siya. Asan na ba yung baklang yun? Sabi niya pupunta daw kami pero wala pang minuto na nakaapak kami dito sa loob ng unit nya umalis sya agad. Hayyy nakuuuu!
Naibagsak ko nalang ang sarili ko sa couch at nag-umpisang maghalukay sa phone ko. Hmmm... makapagfacebook na nga lang tutal mukhang matatagalan pa si Ralph bumalik dito.
Scroll...
Ahy grabe si Mama at si Papa makapagpost ng pictures nila. Teka... may facebook pala sila? Bat parang ngayon ko lang nakita? .. ahy account pala ni Gelai yung nagpost. Anong nakain ng baklang yun at naatim niyang picturan sila mama ng ganito. Natatawa ako tuwing inaalala ko ang hitsura ng malandi kong kapatid nung once na nagkiss sila mama sa harapan namin. Halos masuka sya sa kabitteran niya..
I-rereact ko nalang ng heart para bongga
Scroll....
Napangiti ako nung makita ko ang picture namin nila Ralph at Haze na nakasmile habang nasa gitna nila ako. Ito yung time na nagsasabuyan kami tapos nagstolen shots pala si Haze. Haha nakakatuwa naman isipin na magkasama kami ulit...
Ulit? ...san ko naman yun nakuha..
"Sorry for making you wait" napatayo ako agad nang marinig ko ang boses ni Ralph at inayos ang damit ko pati narin yung pinag-upuan ko. Mahirap na baka gyerahin niya ako hehe.
"S-San ka ba nagsusuot?" Tanong ko sakanya. Lumapit lang sya sakin at pinitik ang noo ko - "Aray! Bat ka namimitik!?" Inis kong tanong saka sinamaan sya ng tingin.
"Kasi gusto ko" napanganga ako sa sinabi niya kasabay ng pag-alis niya sa harap ko saka dumeretso sa may kusina. Agad naman akong sumunod at umupo sa may mataas na upuan malapit sa island table.
"Tch. Ano bang trabaho ko na sinasabi mo?"
"I told you. Personal Assisstant"
"Eh diba parang Personal Secretary narin yun?"
"Nope"
"Oo kaya!" Natigil siya sa ginagawa niyang pagsalin ng tubig at hinarap ako. Di naman ako makagalaw ng yumuko sya sa harap ko dahilan para iatras ko ang ulo ng kaunti. Grabe may balak ba tong manghalik? Nakakailan na sya ng lapit ng mukha sakin.
"P.S stays in company. P.A stays beside it's boss" walang emosyong paliwanag niya saka bumalik sa ginagawa nya. Ahhhh ganun pala yun? Kala ko magkapareho lang sila ng trabaho. Ang tanga mo talaga Bea kahit kailan. Pero....ano bang trabaho ng P.A?
Bago ko pa man maitnong kay Ralph ay bigla na siyang nagsalita. "P.A always do the things or tasked that her/his Boss tell her/him to do. The P.A will stays beside the boss and wait for a task."
"Parang P.S din pala eh"
"But. You won't follow orders from anyone but your boss, Me. You will stay beside me all day and if necessary also at night."
He said that after he took a gulp of his glass of water and looking at me with his serious and stern face. Pero napataas ang kilay ko sa huli niyang sinabi.
"Also at night? Ano yun matutulog ako sa tabi mo!?" I shouted.
"Well not like what I think of but you just gave me an idea *wink* " I can feel the shade of red starting to creep in my cheeks pero di ko nalang yun pinansin at inirapan sya. Kahit kelan talaga simula nung naging lalaki na ito habang tumatagal lalong nagiging manyak😑
![](https://img.wattpad.com/cover/125856216-288-k938417.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling In Love With My Gay Boss
No FicciónMeeting someone who has a big part of your past seems normal and simple. But what if you never remember your past? Or who you really are? Then one day you met someone has a big impact in your life and your memories suddenly come crashing. Eventuall...