Chapter 16: Kidnapped

394 16 0
                                    

Third Person's P.O.V

Nagising si Bea na wala si Ralph sa tabi niya. Bigla itong nataranta dahil maliban sa wala si Ralph sa tabi niya hindi na siya nakauwi sakanila. Agad nyang chineck ang phone nya at lumaki ang mga mata nya nang makitang 10 pm na. Nagmadali siyang tumayo at agad na pinulot ang bag nya na nasa ibaba lang ng kama at dali-daling isinuot ang black doll shoes nito. Hindi na niya alintana ang gulo gulo niyang buhok.

Pagkalabas na pagkalabas niya ay naamoy niya agad ang bango ng lutong adobo. Napalanghap ulit sya at agad na sinilip ang kusina. Nakita nya si Ralph na nakatalikod sakanya at nakasuot ito ng Aprone na may hugis puso lahat at kulay pink ito. Nakaboxer parin siya at shirt at kita mo ang kakisigan niyang likod.

Okay na sana eh, pwede na sana syang maging dream boyfriend dahil nasakanya na ang lahat. Yun nga lang...bading si Ralph.

Nag-alala naman si Bea dahil baka hindi pa ganun magaling si Ralph kaya agad nya hinawakan ang leeg nito habang nakatalikod ang binata sakanya. Napatalon ng kunti si Ralph sa gulat saka nilingon ang taong humawak ng leeg nya.

Napahinga naman siya ng maluwag nang makitang si Bea lang pala ito. Nginitian niya si Bea na naging dahilan para mapatitig sakanya ang dalaga. Ilang segundo ay napakurap si Bea at tiningnan ng seryoso ang kaharap.

"Hindi ka pa magaling! Balik sa higaan!" Natawa si Ralph sa inasta nito saka tinalikuran ang dalaga.

"Gaga, magaling na ako. Look, I can cook adobo already. Im fine" Hindi parin kumbinsido si Bea sa narinig niya kaya naman agad nyang pinatay ang kalan. Nagtaka naman si Ralph at umangal sa ginawa nito.

"Medyo mainit ka pa. Balik ka na muna sa kwarto mo ako na magtutuloy nyan." May halong seryoso at alala ang tono niya. Ralph couldn't help himself to smile. Iniwas niya ang hawak hawak niyang sandok nang kunin sana ito ni Bea.

"Bea wag ka nang makulit" Bea freeze as she heard her name again. Tinatawag na talaga sya ni Ralph gamit ang pangalan niya.

"T-Teka nga. Kelan mo pa ako tinawag sa pangalan ko?"

"Bruha ka. Kanina pa kita tinatawag na Bea no. Asan ang utak mo teh?" Inirapan niya si Bea atsaka tumalikod ulit.

-Tamo nito, pagkatapos akong pakiligin papainisin naman sa huli- sabi ni Bea sa isip niya.

"Oo alam ko. Pero bakit? Akala ko ba hindi tayo close?"

Hinarap ni Bea si Ralph at tiningnan ito ng diretso sa mga mata ng Lalaki. Napatingin lang sakanya ng pabalik ang lalaki na parang nakikipaglaban ng titigan. "Ano ba ang definition mo sa Close ?" Napaatras ng kaunti si Bea nang yumuko sakanya si Ralph.

Hindi niya matingnan ng deretso sa mata ang binata dahil sa lapit nito sakanya saka isama mo narin ang lakas at bilis ng pintig ng kanyang puso. Jusko Ralph! Ano bang pinaggagawa mo kay Bea? Aatakihin na yan sa puso eh.

"Syempre yung close..close na-" napatigil ito sa pagsasalita dahil mas yumuko sakanya si Ralph na naging dahilan para mapasandal sya sa mesa.

"Ganito?" Mas yumuko pa si Ralph na halos dumikit na ang dulo ng mga ilong nila. Hindi alam ni Bea kung ano ang ire-react nya sa ginawa ng binata. She can even feel her heart beating out so loud and fast. And a sudden weird feeling inside her stomach that is making her knees gets weak. -Omg..ang lapit nya. - sabi nito sa isip ng dalaga.

Maski si Ralph ay naguguluhan sa inaakto niya. Bakit ba sya mas lalong yumuko? Bakit gustong gusto niya ang ginagawa niya ngayon? Hindi ba dapat lumalayo na sya at inaaway ang Bea na to? Pero may mali eh...mali na sobrang tama.

Pasimpleng umubo si Ralph nang matauhan sya atsaka mabilis na tumayo at pinagpatuloy ang pagluto ng adobo niya. Naiwang tulala naman si Bea habang ganun parin sya sa dati niyang pwesto.

Falling In Love With My Gay BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon